Skip to content

Pangulong Barrack Obama

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Napakaganda ng kanilang ginawa sa Amerika sa panunumpa ni President Barrack Obama. Pinakita nila sa buong mundo ang pagkakaisa ng nag-iisang nanantiling superpower na bansa. Natanaw rin natin ang tunay na ibig sabihin ng demokrasya. Sa bawat pinakamaliit na parte ng kanilang mga seremoniya mayroong kaugnayan sa Demokrasya.
Ang pagkaka-iba ng kanilang panunumpa at sa atin ay ang napakaraming mga hindi naman nanunumpa na kasama pa rin sa kanilang programa – gaya ng pagdating ng mga bisita galing sa Korte Suprema at sa Batasan – kongreso man o senado. Kitang-kita na tatlo ang sangay ng kanilang pamumuno at dapat na nagkakasundo ang mga ito.
Sa atin kasi parang ang Presidente lang ang namumuno at siya lamang ang mayroong karapatang mamuno sa bansa; at ang ibang opisyal ay inuutusan llmang niya. Mali ito; mas magaling ang kanila.
* * *
Sa inaugural address rin ni Obama, kaniyang diniin na ang Amerika’y kaibigan ng buong mundo. Ayon kay Obama:
“To the Muslim world, we seek a new way forward, based on mutual interest and mutual respect. To those leaders around the globe who seek to sow conflict, or blame their society’s ills on the West: Know that your people will judge you on what you can build, not what you destroy. To those who cling to power through corruption and deceit and the silencing of dissent, know that you are on the wrong side of history; but that we will extend a hand if you are willing to unclench your fist.
“To the people of poor nations, we pledge to work alongside you to make your farms flourish and let clean waters flow; to nourish starved bodies and feed hungry minds. And to those nations like ours that enjoy relative plenty, we say we can no longer afford indifference to suffering outside our borders; nor can we consume the world’s resources without regard to effect. For the world has changed, and we must change with it.”
Kay Obama, nakikita natin ang isang bansang walang yabang at walang ka-galit – isang bansang gusto lamang manatiling walang ka-away, na gusto lamang makatulong upang mapaunlad natin ang buong mundo at lahat ng naririrahan rito.
Magkakaroon nga kaya ng pagkakaiba ang Amerika? Mawawala kaya ang dating nito na bilang pulis ng mundo na handang makialam sa kahit na anuman ang mga pangyayari sa iba’t-ibang bansa?
Dapat lamang na pagbigyan natin ang Amerika na patunayan ang mga pangako ng kanilang pinakabagong Presidente. Kung matutuloy ang mga ito, wala namang mawawala sa atin at baka pa nga bumuti rin ang ating kalagayan aa Pinas.
* * *
Alin kayang mgalider ang tinutukoy ni Obama sa sinabi niyang ganito: “To those who cling to power through corruption and deceit and the silencing of dissent, know that you are on the wrong side of history; but that we will # # # #
hvp (01.19.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*