Skip to content

Mga Militar sa Pamahalaan

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Sumulat si Joaquin Taduran, Jr. sa atin: “Sa nakikita ko lalong magiging maganda ang takbo ng ating pamahalaan kung dating mga nanungkulan sa ating military organization ang ilalagay sa mga sensitibong tungkulin sa pamahalaan.
“Ilan lamang halimbawa kagaya ni Secretary Leandro Mendoza ng Department of Transportation and Communications, Secretary Hermogenes Ebane, Jr. ng Department of Public Works and Highways, Secretary Angelo Reyes ng Department of Energy at ako ay naniniwala na ang paghirang ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kay Hermogenes C. Esperon bilang Kalihim ng Presidential Masagement Staff ay isang tamang ginagawa ng ating Pangulo.
“Isa sa problema ng ating mga ibang namumuno sa mga tanggapan ng ating pamahalaan ay ang pagwawalang atensiyon sa mga empleyado ng ating pamahalaan na lumilihis sa tamang landas at nagiging pabaya sa trabaho at ang iba ay ‘overkill.’ Natatandaan ko tuloy ang katagang madalas kong marinig noong unang panahon ang tungkol sa disiplina. Tama ang katagang “para umunlad ang ating bansa ay disiplina ang kailangan.”
“Sa mga nanunungkulan sa ating pamahalaan na pinili ng ating bayan ay bukod tangi ang mga namumuno ng pamahalaang lokal kagaya nina Quezon City Mayor Sonny Belmonte, Manila Mayor Alfredo Lim, Marikina City Mayor Maria Lourdes Fernando, Makati Mayor Jejomar Binay, Naga City Mayor Jesse Robredo, at iba pa.
“Ang pagbibigay naman ng magandang serbisyo ni Chairman Bayani Fernando ng MMDa ay isa ring huwaran ng disiplina subalit ito ay
unpopular sa mga hindi nakaunawa ng disiplina subalit ito ay tuwrang may suporta ng mga taong sumusunod sa batas.
“At sa paghirang naman kay Press Secretary Cerge Remonde. ito ay tuwirang makagsasabi at makakapaliwanang ng malinaw tungkol sa adhiakin ng Pamahalaang Arroyo na kanyang malinaw na dinadala ang mensahe direccho sa mga mamayang Pilipino. Ang kanyang karanasan sa pamamahayag ay isang gintong dinadala niya sa mga mamayang Pilipino.”
* * *
Kaya lamang napupuna ang mga militar na natatalaga sa puwesto ay dahil sa takot na baka ibalik ni Gloria Arroyo ang batas militar. Para sa akin naman, ang gusto kong nakikita sa mga naglilingkod sa pamahalaan ay ang tunay na serbisyo at, tama ka naman, na ang dating sundalo ay sanay nang maglingkod sa bayan.
Sa totoo lamang, sa lahat na mga nagpapakilalang may interes maging Pangulo ng bansa, ang aking hindi nakikita sa kanila ay ang kanilang plataporma sa pagtakbo. Sa dami ng ating mga problema — mula sa mga OFW at sa kriminalidad at isyu ng droga, bakit wala pa ring kahit isa sa kanila ang mayroong plano kung papaanong paramihin ang trabahong maaaring pasukan ng mamamayang Pinoy sa sariling bansa o kaya’y kung papaano nila gagawaing mas dadami ang mga produktong gawa sa ating bansa upang hindi na tayo kinakailangang mag-import ng ating mga kinakain.
Ano ba ang ating mga halalan – popularity contest lang ba ang mga ito? Kung ganito lamang ang parating na halalan sa 2010, bakit pa tayo boboto kung ang uupo naman ay wala namang kakayanang paunlarin ang bayan at ang ating pamumuhay sa Pinas?
# # # #
hvp (01.28.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*