Skip to content

Ang Buntot ng Dragon

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Ayon sa ilang economista, dapat raw na pinaghahandaan natin ang pagpalo ng “dragon’s tail.” Eto raw ang pagdating sa Asya ng hagupit ng financial crisis na ngayon ay nararamdaman sa Europa at Amerika. Mas matindi raw ito at mapapaluhod ang maraming malalaking mga kumpaniya at negosyante.

Nahuhuli lamang ang Asya dahil sa ang karamihan sa mga ekonomiya rito ay umaasa na ang mga produktong galling sa atin sa Asya ay tanggap at binibili ng mga bansa sa Kanluran. Kapag tumigil na ang kanilang pagtankilik sa mga produktong galling Asya, doon natin tjnay na mararamdaman ang hagupit ng buntot ng dragon.

Ngunit, wala tayong nakikitang gnagawang paghahanda ng ating mga kongresista, senador o kahit na ang mga ekonomista natin. Parang wala silang nakikitang maaaring mangyaring hindi maganda sa ating bansa. Ang ating Pangulong parang kiti-kiti ay lumipad na naman para ibang lugar at makikipagdaldalan na naman na wala namang mangyayari sa kanilang mga usap-usapan.

Napapansin pa nga na parang wala na siyang nakakauap na kasing taas ng kaniyang puwesto; madalas mga mas mababa nang ranggo ang humharap sa kanya. Partang ang mga katapat hiya sa ibang bansa ay ayaw na siyang harapin. Pagod na sila sa mga buladas ni Gloria. Papaano namang hindi sila maaasar sa mga kwento niya kung papaano kagaig ang kaniyang pagdadala ng Pinas sa ganoong nalalaman naman ng buong mundo na ang Pinas ay nabbuhay lamang sa katas ng mga OFW na nagtatrabaho sa kanila mismong bansa. Kung wala ang Gitnang Silangan, Amerika. Taiwan, Japan, Tsina, Malaysia, Singapore at Europa, nasaan na kaya ang Pinas?

Tapos, magyayabang pa siya sa kanila!

Kung sabagay, kapag ikaw ay walang-wala na, hindi mo naman nararamdaman ang dagdag na pagkagutom kung palagi ka nang gutom. Bakit mo pa nga naman ipoproblema ang parating na ulan at baha kung matagal ka nang nakababad sa tubig baha o ang init ng araw kung sunog na sunog ka na sa araw-araw na pagkabilad.

* * *

Bakit ba para pang ang World Bank ang may kasalanan na nalaman nila ang katarantaduhan ng mga kontratista sa Pinas? Sa totoo lamang, alam naman ito ng ating mga kongresista dahil sila mismo ay kasama sa mga ganitong sabwatan. Imbes na magpasalamat tayo sa World Bank sa kanilang tulong sa atin, winawalanghiya pa natin sila. Bakit? Dahil sa nahuli ang mga pangangawat na ginagawa natin sa kanilang pautang sa mga proyektong para sa bayan at sa ating mga mamamayan?

* * *

# # # #

hvp (02.18.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*