Skip to content

Salamat, USA

Deretsahan

 ni Horacio Paredes

Maling-mali naman ang komentaryo ng isang beterano ng World War II na “It took 63 years and a black president for us to be recognized.” Mali ito dahil sa matagal na ring pinasalamatan ang ating mga beterano sa tulong ng mga sundalong Pinoy noong digmaan. Halibawa, naririyan ang Veteran’s Hospital. Kaya lamang, ngayon lamang sila nakatanggap ng malaking kwarta. Mali rin dahil wala namang kaugnayan ang pagiging black ni President Barrak Obama sa pagpasa ng Stimulus Bill na sininggit ang benpisyo para sa ating mga beterano. Sa totoo, ang nagtulak at nagpilit nito ay dalawang senador ng Hawaii – sina Senador Daniel Inouye (na lumaban sa World War II at nawalan ng isang paa sa giyera sa Europa) at si Dan Akaka.

Ayon sa dalawa, noong sinabi ng ilang mga senador na walang kaugnayan ang bagay na ito sa stimulus, kaniolang sinagot ito na dahil sa matagal nang utang ito ng Amerika sa mga sundalong Pinoy, dapat na mabayaran na bago maubos ang mga beteranong Pinoy na tumulong sa Amerika noong digmaan. At, bakit naman ganito na lamang ang pinapakitang pagmamahal nina Inouye at Akaka sa mga Pinoy? Sa dami ng mga Ilokano sa Hawaii, dapat lamang nilang pangalagaan ang mga Pilipino upang tuloy-tuloy ang suporta sa kanila at sa Partidong Democrat.

Walang kaugnayan ang bagay na ito sa pagiging black ng kasalukuyang Pangulo ng Amerika; sa totoo, pinayagan lamang ito ni Obama dahil sa kung hindi niya pinagbigyan lalong-lalo na si Inouye, baka maudlot ang buong Economic Stimulus bill at baka pa hindi maipasa ng Senado. Ang dapat nating paslamatan ay si Inouye at ang kapwa niyang mga beterano ng Amerika na hindi nakalimot sa mga kapwa beterano sa Pionas kahit na kinalimutan na sila ng pamahalaang Kano.

* * *

Sulat galing kay Lito Dionisio Santos:”Walang karapat-dapat kasing pamalit kay Gloria kaya hIndi nag-aalsa ang masa.  Sino ipapalit mo, sige nga?

“1. Si kabayan - de Castro- bulok din

“2. Si Speaker of the house - mass lalong bulok kaysa kay de Castro

“3. Senate president - di lalo na, nakakasuka

“4. Lampas na first three ang susunod

“Kaya naman, napalitan si Erap ay:

“1. Dahil sa middle klas; tangapin natin

“2. Dahil sa meron GMA na akala natin ay matino; hindi pala.

“Pero kung ang vice president nuon ni Erap eh si Enrile, palagay mo kaya, matutuloy ang Edsa Dos?  Malaking hindi!”

Alam mo, Diony, hindi naman dapat na ganyan ang pagtanaw natin sa ating mga lider na parang wala na lang silang silbi. Sa totoo, maganda naman ang pinakita ni Noli na pagpatakbo ng ating Houeing kahit na tinalaga niya si Celso de los Angeles (na sumuporta sa kaniyang kandidatura) ng Legacy na mamuno sa isa sa mga ahensiya.

Si Speaker naman ay maayos rin ang mga panukala pwera lamang sa kaniyang pagsunod sa kagustuhan ng Malakanyang na itulak ang Con-Ass.

Ang ating Senate President ay masyadong naparusahan noong panahon ng una nating pangulo pagka-alis ni Marcos. Mabuti nga na ngayon ay siya na ang namuno sa pagdiwang ng Edsa Uno dahil sa siya naman talaga ang pasimuno nito ngunit noong una’y ang mga sumali lamang sa Edsa Uno ang mga namumuno sa pagdiwang. Buti nga ngayon na ang tunay na lider ng Edsa Uno ay lumantad na rin.

Ngunit tama ka na kung hindi lamang si Gloria ang bise ni Erap, hindi sana mangyayari na matatanggal si Erap sa pagiging Pangulo. Si Gloria lamang talaga ang ganoon ka gutom sa kapangyarihan at nakikita naman natin kung bakit; noong siya na ang nakaupo, diba ang una niyang ginawa mula sa unang araw ay ang payamanin ang sarili at ang pamilya?

# # # #

hvp (02.25.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*