Deretsahan
ni Horacio Paredes
Nanganganib ang ating halalan sa 2010. Malamang na magkakaroon ng “failure of elections” sa maraming lugar. Sa aking nakikita, imbes na makakatulong ang ginagawang modernisasyon ng halalan, lalo lamang itong gugulo.
Hind ko nalalaman kung bakit ang nagging plano ng Comelec ay ang gumastos ng P11.4 bilyon para sa 2010. Noong 2004, sa halagang P1.3 bilyon lamang, kinaya ng Comelec na gumawa ng computerization para sa buong bansa. Hindi lamang ito natuloy dahil sa dinesisyunan ng Korte Suprema na nagkaroon ng overprice (kahit na pinakambabang bidder anf nanalo) at hindi raw naging maayos ang bidding (kahit walang bidder na ngareklamo). Dahil sa palpak na desisyun mg Korte, mayroong 2,000 na Automatic Counting Machine (ATM) na maaari sanang gamitin para sa halalan sa 2010 na nakabodega lamang kahit nabili na ang mga ito ng Pinas.
Sa gagastusin ng Comelc na P11.4 bilyon, magkano kaya ang overprice? Kung nagkaroon raw overprice sa P1.3 bilyon, magkano kaya ang overpricfe sa P11.4 bilyon?
Ngunit, hindi pa iyon ang magiging prroblema kundi ang plano ng Comelce na bumili ng 80,000 na makina para sa kanilanmg poll automation sa 2010. Ang mga makinang ito ay ilalagay sa bawat presinto. Babawasan ang dami ng presinto sa 80,000 lamang mula sa 240,000. Ang bawat isa’y magkakaroon ng makina kung saan ang botante mismo ang magpapadaan ng kaniya mismong balota sa isang scanner bago ito pumasok sa ballot box. Tapos, ang scanner naman ay ipadadala ang laman ng balota sa isang computer na bibilangin ang boto ng bawat kandidato.
Ngunit, hindi naman ang lahat ng bayan sa Pinas ay mayroong elektrisidad. Ito ang rason kung bakit ang mga ACM noong 2004 ay nakapuwesto sa munisipyo lamang. Mas madali kasing panglagaan ang seguridad ng balota at tiyak at mas madaling masiguro na tuloy-tuloy ang koriyente sa munisipyo kaysa sa malalyong presinto.
Hindi lamang iyon, sa ilang lugar, madalas na namamatay ang koriyente lalo na’t sa panahon ng halalan. Papaano ang gagawain ng Comelec kung walang koriyente – dahil ang mga makina – scanner at computer – ay kinakailangan ng koriyente upang umobra.
Ang resulta naman ay ipadadala sa Comelec gamit ang SMS (o text). Sa aking pananw, kung marami ngang text na hindi umaabot sa pinadadalhan, hindi kaya na sa araw mismo ng halalan ay napakarami ang mag-tetext at hindi makakaya ng kahit na Globe, Smart at ib a pa na sigurohin na aabot ang mga text na ipadadala galling sa bawat presinto?
At, saan nila ibobodega ang ganito karaming makinarya habang ito’s pinoprogram upang magamit sa kung anumang bayan dahil kinakailangang maipasok ang lahat na mga pangalan ng mga kandidato sa bawat posisyong lokal, mula gobernador hanggang konsehal.
Papaano rin kung ma-hijack ang mga makinaryang ito? At, hindi naman maaaring masiguro ng kahit na sino nawala na ni isang makina ang hindi mawawala, masusunog o tatamaan ng bala. Oo nga pala, sa presyong P11.4 bilyon, hindi pa atin ang mga makinarya. Ito’y inuupahan lamang para lamang sa panahon ng halalan. Kinakailangang ibalik ang mga ito sa kanilang pinaggalingan. At sa susunod na halalan sa 2013? Gagastos na naman ng baka P20 bilyon na dahil wala tayong maayos na makinarya para sa halalan kundi lamang ang binili noong 2004 na hindi naman magamit kahit na sinabi na ng Department of Science and Technology (DOST) na pumasa sa kanilang pag-testing ang mga makinaryang ito ng 100%.
Kung matino tayong bansa, dapat na gamitin na lamang sana natin ang 2,000 na ACM na ito imbes na magwaldas tayo ng kwarantang kasing laki ng P11.4 bilyon!
Sa aking pananaw, magkakagulo sa halalan sa 2010 dahil sa napakadaling pumalya ang mga uupahang makina ng Comelce at malaking hinala kung walang mangyayaring masama sa mga ito lalo na’t sa mga liblib na lugar ng bansa; ngunit maraming matutuwa dahil tiyak na magkakaroon sila ng malaking kwarta sa overprice ng Comelec sa P11.4 bilyon na budget para sa mga makinang kokontratahnin ngayong taon para sa halalan sa Mayo 2010.
At ang taong bayan? Baka pa nga ang maging resulta ng halalan sa pagka-Pangulo sa 2010 ay walang halalan o “failure of election” Pagka-nagkaganoon, malaking kagulohan ang mangyayari dahil sa kapalpakan ng Comelec.
# # # #
hvp (03.11.08)

Post a Comment