Skip to content

Kailangan: Batang Presidente

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Para sa akin, ang kailangan natin na Presidente ay isang tao na gagawain ang tungkulin at hindi isa na namang pulitiko na gagamitin ang puwesto upang pasikatin ang sarili at payamanin ang kanyang pamilya. Kaya sa lahat ng mga gustong maging Pangulo ang aking napupusoan ay sina Bayani Fernando at Gilbert Teodoro. Wala silang ambisyong iba kundi lamang ang makapaglingkod sa bayan. Kaya, bakit pa ako maghahanap ng iba?

Ang termino ng isang Pangulo ng Pinas ay napakahaba – anim na taon. Mas magaling nga sana kung apat na taon lamang. Sa totoo, ang anim na taon ay masyadong mahaba para sa walang kwentang Pangulo. Mas maganda pa rin kung ibalik natin ito sa apat na taon lamang ngunit maaaring tumakbong muli ng isang beses. Dahil sa napakahaba ng termino, ang isang taong bata pa sa kaniyang pagka-halal ay magiging matandfa na sa katapusan ng kaniyang paglingkod.

Kung mahalal ay 65 ang edad, 71 na siya sa katapusan ng kaniyang pagiging pangulo. Kaya nga, mas magaling kung mas bata ang ating iboto sa susunod na halalan. Unang-una, talagang bumabata ang populasyon ng Pinas. Kung nasa 60 na ang Pangulo, papaano niya maiintindihan ang mamamyan na ang median age ay nasa 20 anyos lamang?

Ang hindi natin dapat piliin ay isa na  namang pulitiko. Kung ganoon ang mangyayari, walang pagbabagaong mangayayari sa pamunuan ng ating bansa.

* * *

Ano kaya ang nagyari sa pamilyang Lopez na parang pawala na ang kanilang galing at yaman. Una, iniwanan nila ang kanilang tinayong kumpaniya sa tubig – ang Maynilad. Tapos, binenta nila ang kanilang mga hawak na kalsada na toll road na kanilang ginastusan at pinaganda.

Ngayon naman binili na ng PLDT ang sobra sa kalahati ng hawak na aksyon ng mga Lopez sa Meralco. Parang mayroong hindi magandang nangyari sa kanilang mga negosyo na hindi nila na-agapan ang mga gastusin.

Baka ang susunod ay pati na ang ABS-CBN ay mawala pa sa kanila; at kailanganin rin nilang ibenta ito.

Baka naman na gaya ng maraming mayayaman na pamilya ay dumating na rin ang panahon na wala na sa kanila ang may galing sa pagpatkbo ng negosyo gaya noong mga naunang mga magagaling na tao sa kanilang pamilya.

Sa ngayon, sa Meralco, nasa minoriya na ang pamilyang Lopez. Kapag nagsama ang San Miguel at PLDT, wala na silang magagawa. Umaasa na lamang ang mga Lopez na ipatutupad pa rin ng PLDT ang kanilang kasunduan na ang mga Lopez pa rin ang magpapatakbo sa kumpaniya. Ngunit, kapag magkahalataan na hindi na maganda ang patakbo ng mga Lopez, hindi kaya maka-isip ang dalawang malalakng investor ng Meralco – ang SMC at PLDT – na dapat nang kunin sa mga Lopez ang management ng Meralco. Kapag mangyari iyon, ano pang maiiwan sa pamiluyang dating napaka-inpluwensyal noong ang mga lolo pa nila ang nagpapatakbo ng mga negosyo. Ano kaya ang nangyari sa kanila na parang naubusan na sila ng galing, tiyaga at enerhiya? Parang pagod na sila!

# # # #

hvp (03.16.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*