Deretsahan
ni Horacio Paredes
Hinding-hindi ko iboboto ang dalawang nababalitaang baka tumakbo sa pagka-Pangulo – si Among Ed Panlilio at si Mike Velarde. Una, sa aking pananaw, mas maganda ang takbo ng buhay natin sa Pinas kung ang namamahala ay kayang lumayo sa simbahan at hindi nagpapadala sa kagustohan ng mga Obispo at pari.
Halimbawa, sa larangan ng Birth Control, kailanangan nating maghanap ng paraan upang hindi pa lalong dumami ang ating populasyon. Noong ako’y nag-aaral pa, ang populasyon natin ay nasa 30 milyones pa lamang. Napaka maayos noon ang aming pamumuhay. Halos walang nagugutom; walang gaanong patayan at matiwasay ang aming pamumuhay.
Sa ngayon, talagang sumobra na ang dami ng mga Pinoy at lahat tayo’y nahihirapan dahil sa dami ng kinakailangang buhayin ng ating mahina at manipis na ekonomiya na hirap na hirap na kahit mabigyan man lamang ng\ trabaho ang mga batang ka-gagraduate sa high school at sa College at lalo pa ang mga out-of-school youth na napapabayaan na ng lipunana.
Hindi sa hindi sila magagaling na tao. Ayon sa ilang mga libro ng dayuhan, ang kinakailangana raw ng isang mabuting pangulo ay ang mga ganitong kaugalian: honesty
, integrity, intelligence,
leadership,
judgment,
patriotism, public communication, organizational capacity, political skill, vision, cognitive style at emotional intelligence.
Ang aking punto ay maaari pang pahabain ang mga salitang tugma sa isang magaling na Pangulo ngunit ang mas mahalaga sa lahat ay ang kung kaya ba niyang isulong ang ating ekonomiya at bansa kasama ang lahat sa atin sa kanularan?
Itanong na rin natin sa sarili kung tagumpay ba ang pagpalakad ng panahalaan ni Among Ed sa Pampanga? Hindi kaya na para siyang mag-isang bayani na kinkalaban ang lahat ng pulitiko sa kaniyang lalawigan? Papaanong mamumuno ang ganitong tao sa Pinas na iba-iba ang pag-iisip ng mga mamamayan. Hindi naman maaari na ang lahat ay itutulad sa Pangulo ang pag-iisip.
Baka kung sila ang ating mapili ay lalo lamang tayong magkakagulo. Ang punto ko, hindi dahil mabait ang tao’y dapat na maging Pangulo. Kung minsan mas magaling pa rin ang medyo mabagsik at medyo may kasamaang kaunti kung ang mga ito’y kaniyang gagamitin para sa bayan.
* * *
Hindi maganda ang pinakita ni Manny Pacquiao na parang walang kahalagahan ang kaniyang pananalita noong kaniyang tinalikuran ang dating usapan sa Solar at sa GMA tungkol sa mga laban niya. Dati kasi ay ang kanilang usapan ng Solar ay ang Solar ang binigyan niya ng karapatang mag-broadcast ng kaniyang mga laban sa Pinas hanggang taong 2011. Hindi natin alam kung ano ang nangyari; noong nasa Amerika na siya’y kaniyang sinabi na mula ngayon ay ABS-CBN na ang kaniyang binibigyan ng karapatang mag-broadcast ng mga laban niya.
Ang lumitaw rito’y kulang sa delikadeza at walang isang salita ang Kamao ng Bayan, Ang dapat sanang ginawa niya noong nilapitan siya ng ABS-CBN ay sinabi niya sa kanilang kausapin nila ang Solar na mayroong kontrata sa kaniya.
Ang ABS-CBN naman – bakit naman dinala ninyo si Manny sa kagulohang hindi naman niya kailangan lalo’t naghahada siyang makilaban sa isang matinding kalaban na si Hatton.
# # # #
hvp (03.23.08)

Post a Comment