Skip to content

Matuloy na sana ang City Hall ng Pasay

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Noong 2003, nagpahiwatig ang alkalde ng Pasay City Wenceslao “Peewee” Trinidad na nakakuha siya ng 3.25 ektaryang lupain galing sa Public Estates Authority (PEA) sa reclamation area kung saan niya ililipat ang Pasay City Hall at ang Pasay Hall of Justice. Ayon kay Peewee, ang kasalukuyang City Hall ay magiging Pamantasan ng Lungsod ng Pasay.

Nakuha ng Pasay ang lupa dahil sa nagka-utang ang PEA sa amilyar ng buong reclamation Area.

Si Mayor Peewee ay matagal nang naglilingkod sa Pasay –  apat na taon bilang konsehal at anim na taon na Vice-Mayor noong dekada ’80; dagdag na anim na taon bilang Vice-Mayor sa dekada ‘90, at apat na taon bilang Mayor naggang 2006 kung kailan sinuspinde siya ng Ombudsman upang palingkurin ang mga bata ng Malakanayang. Mula 2007, ulit na naman siyang piniling Mayor ng Pasay.

Upang masimulan ang bagong City Hall, kasalukuyang umuutang si Peewee sa Philippine Veterans Bank (PVB), noong siya’y nasuspinde.

Noong Marso 12, 2007, sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Allan Panaligan, ang Young Builders Corp. (YBC) ang nanalo sa bidding sa pag-gawa ng  P599-milyon na city hall project. Binigyan ng Pasay ng P45 milyon ang YBC.

Pagbalik ni Mayor Peewee noong 2007 bilang alkalde, sinimulan na naman niya ang proyekto. Gumawa ang Sangunniang Panglungsod (SP) ng isang  resolusyon na binbigyan siya ng karapatang pirmahan ang Loan Agreement ng Pasay sa  Philippine Veterans Bank. Nang napirmahan ito, pinadala agad ni Mayor Trinidad sa SP na pinamumunuan ni Vice Mayor Tony Calixto.

Pagkalipas ng ilang buan – noong Nobiyembre 11, 2008, nagtaong ang YBC sa Mayor’s Office kung naratipika na ba ng SP ang kontrata sa bangko. Ang sulat at pindala ni City Legal Officer Atty. Phydias Emmanuel R. Ramos sa SP.

Nang walang sagot ang SP, kinasuhan na ng YBC ang Lungsod ng Pasay.

Nagtanong si Atty. Ramos sa SP kung ano ang kaniyang isasagot sa kaso na sinampa ng YBC. Dahil sa wala pa ring sagot ang SP, nag-file na lamang ng sarling sagot si Atty. Ramos.

Noong Pebrero 25, 2009, pina-alam ni Atty. Ramos sa SP na nagkaroon na ng temporary restraining order (TRO) ang korte pabor sa YBC. Wala pa ring kibo ang SP. Imbes, tumungo sa korte ang SP na humingi ng pahintulot na kukuha sila ng sarili nilang abugado. Hindi naman pumayag ang korte dahil ang lungsod ng Pasay ang kinasuhan at hindi ang mga konsehal. Ayon sa korte, si Atty. Ramos ang dapat na humarap sa kaso.

Sa reklamo ng YBC, sinabi na walang rason kung bakit hindi pa niraratipika ng SP ang loan agreement ng Pasay at PVB. Sa ngayon, binigyan pa ng ilang lingo ang Pasay upang iratipika ng SP ang Loan Agreement kahit dapat sana’y noong Marso 11, 2009 ay na-ratipika na ito.

Ang tanong ay: Ano ba ang problema ng mga konsehal sa Loan Agreement? Gumawa sila ng resolusyon na binigyan nila ang Alkalde ng karapatang pumasok sa pautang para sa bagong city hall. Tapos, ayaw nilang tanggapin ang loan agreement!. Bakit? Ano ba ang hindi tama sa loan agreement? Wala naman yata.

Bakit ayaw pa nilang iratipika ang pirma ng alkalde ng Pasay?

Siguro’y marumi lamang ang isip ko kung kaya nagdududa ako sa mga miyembro ng konseho. Ano kaya ang kanilang hinihintay? Na may iaabot sa kanila ang YBC o kaya’y baka naman hinihintay nila si Mayor Peewee na bigyan sila ng malaking parte ng inutang sa PVB bago sila pipirma sa ratipikasyon?

Ka-awa-awa naman talaga ang mga residente ng Pasay, kung ganoon na nga ang nangyayari. Pati ba sa kwartang inuutang lamang ay dapat na mayroon pa ring kitain ang mga konsehal? Sobra na yata ito!

Ka-awa-awa naman ang mga residente ng Pasay. Pati ba naman sa inuutang ng lungsod ay makikipagparte pa ang kanilang mga opisyal bago mapapagawa ang bago nilang City Hall?aredes@yahoo.com

 

# # # #

hvp (03.25.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*