Deretsahan
ni Horacio Paredes
Kapag hindi pa rin pakawalan ang tatlong hostage na hawak ng Abu Sayyaf kahit sumunod na ang militar sa kanlang kagustohan at umatras na ang mga tropa mula sa kanilang posisyon kung saan ang Abu Sayyaf ay nakakagala lamang sa loob ng 30 square kilometers, dapat nang ubusin na ang mga ipis na iyan. Kapag masunod ang kanilang kagustohan, ang kanilang bilang territoryo ay lalake hanggang 140 square kilometers.
Parang isusuko na ng military ang buong isla ng Sulu, pwera lamang sa Jolo mismo, sa Abu Sayyaf. Ang unang hiniling ng mga kidnapper ay ang lisanin ng military ang bayan ng Patikul. Ito ang naging kasunduan nila ni Senador Dick Gordon. At, ayon sa kausap ni Gordon na Abu Sayyaf, kapag nangyari raw ito’y pakakawalan nila ang isa sa tatlong hostage. Ngunit, nang umatras na ang mga tropa, wala pa ring pinkawalaan ang mga bandido; imbes, sinabi sa miitar na lisanin ang buong Sulu pwera lamang sa sa Jolo at iwanan ang ibang parte ng isla ng Sulu.
Masyado natin silang pinagbibigyan dahil sa ayaw nating mapahiya sa International Red Cross na pinagtatrabahuan ng mga bihag na sina Eugenio Vagni ng Italia, ang Swisso na si Andreas Notter, at Mary Jean Lacaba, Pilipina.
Sa totoo, nagpakita ang pamahalaan ng pagkahina ng loob. Dahil sa takot na mapugutan ang isa sa mga hostage, sumusunod tayo sa kagustohan ng mga bandidong ito. Kaya, noong nakita nila na sunod-sunoran na sa kanila ang mga sundalo, hindi lamang sa wala silang pinawalan na hostage, inutusan pa ang mga sundalo na hanggang sa Jolo lamang sila at iwanan na nila ang buong Sulu sa mga Abu Sayyaf.
Sa aking pananaw, lalong lalakas ang loob ng mga mamatay-taong ito na mga bandido lamang naman. Hindi sila freedom fighter (mujahadeen) o mga rebelde kundi mga bandido lamang na kwarta lamang ang kailangan. Dahil sa mahina na ang dibdib ng pamahalaan at lalo pang pinahina ni Senador Gordon dahil handa niyang sisihin ang lahat sa militar at pamahalaan kung mayroong masaktan na kahit sino sa mga bihag, lumitaw ang kahinaan ng loob ng pamahalaan. Lalo namang naging abusado ang mga masasamang tao.
Ayaw ko sanang mayroon mangyaring masama sa mga volunteer ng Internatioal Red Cross, ngunit, dahil sa hindi talaga tama ang pinakitang sagot ng pamahalaan sa mga babala at pananakot ng mga Abu Sayyaf, sana naman na sa panahong mapawalan na ang mga hostage ay sugurin na nang buong pwersa ng mga Marines ang kuta ng mga tarantadong iyan at ubusin na silang lahat.
Walang ibang dapat gawain ang militar kundi ang parusahan ang lahat ng mga Abu Sayyaf ng kamatayan, Dapat ring sunugin ang buong kuta at ikulong kung sino man ang matagpuan pang buhay sa kanilang lugar.
Dapat na walain na ang lahat na mga tropa ng mga bandido sa ating bansa.
Bakit ba hindi pa matapos ng ating militar ang napakaliit na tropa ng mga bandido na Abu Sayyaf? Marahil ang kasagutan diyan ay ang mga pulitiko ang gumagawa ng desisyon sa mga bagay na ito at hindi ang mga militar. Sa dami ng ating mga sundalo, hindi dapat tumagal ang tropa ng Abu Sayyaf ng isang lingo kung talagang gusto nila itong ubusin.
# # # #
hvp (03.30.08)

Post a Comment