Skip to content

Sulat Mula Barcelona

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Sumulat ang isang OFW galling sa Barcelonia, Espanya: “Labis akong nabahala ng isang gabi´y mapanood ko sa isang canal ng television dito, ang isang documental o reportaje tungkol sa buhay ng mga mamamayanag Filipino, y muy especialmente en Manila ciudad, na kung saan ay makikita mong maraming familia ang nakatira at kasama sa pagtulog ang mga calavera sa cementerio.

“Mga batang babae o mapa lalaki man y sobre todo menor de edad  na nagbebenta ng laman, aliw, maitawid lamang ang kumukulong sikmura sa gutom. mga batang dapat sana´y nag-aaral,subalit inagaw sa mga munting angel na ito at pinagkaitan ng kanilang munting, pero makatarungang karapatan, malamang alam din ito siguro ng mga pobreng mga magulang nila pero ano pa nga ba ang pagpipilian — ang mamatay ka sa gutom o ang makaraos ka kahit sa ano mang paraan. Hindi ko sukat akalain na sa panahong ito ng lahat halos ng mga bansa ay umaangat, umaasenso, pero bukod tangi na yatang ang Filipinas ang mas lalong nalulublob sa karalitaan. Sisikat pa kaya sa atin ang araw?

“Ambicion meron tayo o ng bawa’t isa, at naghahangad ng magandang bukas para sa ating mga mahal na familia pero, paano mo nga ba makakamit sa isang bansa na minsa´y puro kasaganaan subalit kinamkam ng mangilan ngilan.

“Kamakailan lamang sa bansang Inglatera hanggang sa ngayon ay pinaguusapan ang sobrang gastos ng mga mambabatas o ng mga communes kung tawagin. Halos lahat ng mga kasangkot sa sobrang gastos ay humingi ng kapatawaran sa mga mamamayan y incluso  dahilan iyon ay ang  pagbitiw  sa tungkulin ng jefe de los comunes. Nangyari pa naman sa panahon ng pandaigdigang crisis.napakagandang pakingggan di ba?. Pero bakit sa atin????.

“Napakaraming investigacion sa camara alta, isa na rito ang malversacion de fondos de los caudales publicos, caso ng mga euro generales, legacy ni de los angeles, fertilizer fund. Y onli in da Filipines na ang nagsasabi ng katotohan ang nakukulong at ang demonio namamayagpag. At saka yung Hola Garci, susmaryosep short napakarami. Bakit nasa tungkulin pa rin! At hindi na ako magtataka. Minsan naniniwala na talaga ako na ang Diyos  sa atin ay hindi ang mahal nating Panginoong Jesus, kundi ang mangilan-ngilan. O dahil alam nilang meron silang immunidad diplomatica ba yon? No lo se.

“Wow naman pagkagagaling ng nasa administracion at ng mga senador natin.matatamis na mga salita ang lumalabas, matamis pa sa miel (honey. Diyos mio patawarin mo po sila,dahil alam na alam na alam na alam ang kanilang ginagawa.

“Panawagan po sa mga kababayan kong nagsawa na sa  mga matatamis at kinayas na dila ng mga politicong ito, karapatan po ninyong bumoto, pero bawat isa sana, maging responsable po sana tayo pagdating sa pagpili sa magiging lider natin sa susunod na anim na taon ng  pagbabago. Bawat boto po ninyo ay util. Dito po nakasalalay ang mga ambicion, mga pangarap ng mga munti nating mga angel upang sa susunod na kadiliman ay mamamatay at mapalitan ng sikat ng liwanag ng araw ng pangarap. Mabuhay po tayong lahat.

“Señor Paredes, nakikiusap po akong ilathala mo ang aking liham — liham na naghahangad ng pagbabago ng buong sambayanang Filipino. Marami pong salamat.” – Fernando Gopez 

# # # #

hvp (05.25.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*