Skip to content

Pagkalat ng A(H1N1)

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Sa kaso ng isa sa mga manlalaro ng Pinas sa futbol ng mga bata (youth football) na nadiskubre pagdating na sa Singapore, na mayroong sakit na A(N1H1), nahalata ang kakulangan natin sa pangangalaga at patakaran sa pagsugpo sa sakit na ito. Sa sinasabing ang lahat a mga pinadala nating atleta sa Singapore ay nabakunahan na kontra influenza, maaaring wala naman itong silbi dahil sa ibang klase influenza ang A(H1N1) kesa sa pangkaraniwang influenza.

Nakakagulat rin ang biglang pagdami ng mga kaso ng A(H1N1). Napakabilis ang pagdami at napakarami ang tinatamaan ng sakit na ito, Kahit na noon sa simula pa lamang ng pagbukas ng eskwelahan ay binigyan pa ito ng palugit at pinatagal ng ilang araw bago nabuksan ang mga paaralan, lumilitaw na parang wala namang ginawa ang DoH sa twina. Kanila bang pinalinis ng mabuti ang mga paaralan? Sila ba’y ng disinfect ng mga silid-paaralan upang mapatay ang mga mikrobyo at iba pang sakit na maaaring nakaluklok sa mga silid na ito?

Hindi naman sa nagmamagaling ako. Kaya lamang parang nakakahiya ang ating mga sistema sa kalusugan kung ang mga unang tinamaan na sakit sa isang plakasan sa Asya ay galing pa sa ating team. Hindi ba’t ang mga atleta ay dapat na mas malulusog sa karaniwang mamamayan?

* * *

Huwag na sana nating pilitin pang alamin kay Gloria Arroyo kung ano ang kaniyang plano sa 2010 gaya ng gustong mangyari ng dating pangulong Ramos at ni Bishop Cruz. Dapat na ang ating mas bigyan ng importansya ay kung hindi nga ba papalpak ang automation na tinutulak ng Comelec sa napakalaking halaga.

Kung ang dapat ay magkaroon tayo ng halalan sa nakatakdang araw na iniutos ng ating Saligang Batas, bakit parang mas mahalaga pa rin diyan kung ano ang plano ni Gloria? Kung naniwala tayo sa ating sistema, kung anuman ang gusto niyang mangyari na labag sa Saligang Batas ay hindi dapat pa nating pag-isipan. In other words, who cares kung ano ang plano ni Gloria?

Matatag ba tayong Republika? Tunay ba tayong bansa o isa lang ba tayong Banana Republic lamang?

Kung naniniwala tayo sa Saligang Batas, dapat lamang na ating sundin kung anuman nag naka-saad dito at kung anuman ang mga masasamang plano ng mga maiitim ang puso ay hindi natin dapat pagkagulohan. Naririyan ang ating mga batas at mga tapat na sundalo’t pulis na hindi papayag na malabag ang batas at maputikan ang Saligang Batas.

O baka naman nagkakamali na ako at ang kasundaluhan natin ay hindi na ang Pinas ang tinuturing na amo kundi si Gloria Arroyo na. Kung ganoon na ang sitwasyon, wala na tayong pag-asa; ngunit ako’y naniniwala na walang kahit na anong halaga ng salapi na maaaring bumaliktad sa buo nating kasundaluhan upang lahat sila’y sa suhol na lamang aasa at susunod sila sa nalalaman naman nilang isang malaking kamalian.

Oo nga’t Pangulo siya; ngunit, kung ang Pangulo’y maliwanag na kalaban na ng sarili niyang bansa, nalalaman ng sundalong tapat kung ano ang dapat niyang gawain.

# # # #

hvp (06.22.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*