Deretsahan
ni Horacio Paredes
Mayroon na namang Pinay ba pinatay sa Saudi Arabia at ang pumatay ay kaniyang kapwa Pilipina na dalawampung taon na niyang kaibigan. Ang pinatay ay si Laila Castano na walong beses sinaksak ng kitchen knife. Ang nakatuklas sa bangkay ay ang kaniyang asawang si Ric, isang project engineer ng Aramco.
Sa simula ang asawa ang pinaghinalaan ng pulis Saudi; ngunit, nang kanilang natuklasan na nawawala ang pitaka at dalawang cell phone ng biktima, naghanap na ang pulis ng ibang suspek. Kasya pala pinatay ay dahil sa gusto itong nakawan,
Hindi pa nilalabas ang pangalan ng Pinay na pumatay sa kapwa Pinay, ngunit sa ngayon pa lamang ay tila tutulong na naman ang pamahalaang ito na hindi mapugutan ang pumatay kay Laila.
Sa aking pananaw, hindi natin dapat tinutulungan ang mga Pinoy at Pinay na pumapatay ng kapwa nila Pinoy. Bakit natin tutulungan ang pumatay sa kapwa nilang Pilipino upang nakawan nila?
Napakasama ng ganitong klaseng tao na papatay sa kapwa para lamang manakawan ang isang kaibigan na oinapasok siya sa sariling bahay. Gaya rin noong halos makigiyera tayo sa Singapore dahil kay Flor Contemplacion na pumatay rin sa kapwa Pinay dahil na rin sa mayroong siyang gustong kunin sa kaniyang kaibigan. Mali ang ganitong patakaran.
Bakit parang mas binibigyan natin ng karapatan ang pumatay kaysa sa pinatay na kapwa rin niyang Pilipina?
Kung dito nangyari ang krimen, tiyak na makukulong ang babaeng pumatay at, kung maibalik na ang death penalty pagkatapos ng pamahalaang ito — na takot na, dahil sa kanilang mga malaking pagsasala sa bansa at sa mamamayan, ay baka sila ang mahahatulan ng kamatayan — tiyak rin na ang gagawa ng ganitong krimen ay hahatulan ng kamatayan. Hindi lang nga pupugutan, ngunit mamamatay pa rin ang salarin.
Para sa akin, ang mas magandang aksyon na gawin ng Pinas ay ang pabayaan na lamang nating matupad ang batas ng Saudi. Pugutan na ang walang-hiyang mamamatay-taong Pinay na pumatay sa kaniya na ring kababayan at matagal nang kaibigan. Kung ang salarin ay tutulungan pa ng ating Department of Foreign Affairs at gagastusan pa natin ang kaniyang mga abugado, bakit hindi natin ito ginagawa sa mga walang kayang Pinoy na nakakalabag sa batas ng sariling bansa sa sarili rin nilang bansa?
Ang Pinay na pumatay sa kapwa Pinay sa labas ng bansa ay hindi na dapat nating tulungan; baka pa isipin ng iba na mas mahalaga sa atin ang buhay ng pumatay kesa sa kinuhang buhay ng pinatay. Ano kaya ang iisipin ng mga taga-Saudi sa ating bansa kung tayo pa’y dedepensa sa killer ng kapwa Pinay?
Baka isipin ng mga iyon na mga sira ulo pala ang bansa natin? At, kung ganoon na nga ang kanilang maiisip, tama sila!
# # # #
hvp (07.08.09)

One Comment
Bagaman babae, tama lamang po ng parusahan ang Pinay na pumatay sa kapwa niya Pinay ng naaayon sa batas ng pinaglilingkurang bansa dahil kung sa atin nangyari ito malamang nabayaran na ang batas. Kapwa Pilipino ang sangkot dito kaya walang dahilan upang ang kasalukuyang administrasyon ay manghimasok pa at kungdiman ay humingi ng tawad sa pamamagitan ng diplomasiya. Pinalalakas lamang natin ang loob ng isang kriminal kung puro awa na lamang ang ating paiiralin. Paano na nga naman ang iniwang pamilya ng biktima nito?Mainam pang ituon na lamang sa ibang tunay na nangangailangang OFW ang manggagaling tulong ng ating gobyerno.
Post a Comment