Deretsahan
ni Horacio Paredes
Mayroong nag-padala sa akin ng isang brochure tungkol sa batas ng Saudi Arabia tungkol sa karapatan ng mga dayuhang nagtatrabaho sa KSA. Maikling parte lamang ang aking ipababasa. Sa mga interesado pa, tumungo lamang sa www.alexasuncion.multiply.com para sa buong ulat tungkol ditto.
Ayon sa brochure: “Huwag basta magre-resign kahit: Pinalitan ang kontrata, Dinaya sa kontrata, Ibang trabaho ang ipinagagawa, May malaswang intensiyon ang amo, Malupit ang employer, May panganib sa kalusugan o Iniipit ang manggagawa
“Dahil puwede mong hingin sa korte na pauwiin ka nang libre.
“Ayon sa Artikulo 81, puwedeng layasan ang kumpanya kahit walang notice o resignation letter at ang kumpanya mismo ang gagastos sa iyong repatriation, kung:
(1) Hindi tinupad ng sponsor (kumpanya) ang kanyang obligasyon sa manggagawa.
(2) Dinaya siya ng sponsor tungkol sa kundisyon ng kontrata.
(3) Ang trabahong ipinagagawa sa manggagawa ay iba sa napagkasunduan, na sinasabi sa Artikulo 60.
(4) May violent assault o nagkaroon ng malaswang intensiyon ang sponsor o ang miyembro ng kanyang pamilya sa manggagawa o sa kanyang pamilya.
(5) Ang sponsor ay malupit sa manggagawa at hindi makatwiran ang trato sa kanya.
(6) May panganib sa kalusugan ng manggagawa ang lugar ng trabaho at hindi inaayos ng kumpanya ang mga nasabing panganib.
(7) Dahil sa hindi makatwirang trato ay iniipit ang manggagawa na siya ang pinalalabas na nag-terminate ng kontrata.
Puwedeng kasuhan ang employer kung: Binibinbin ang suweldo, Ayaw balikatin ang bayad sa iqama, Hindi nagbabayad ng overtime, Nagmumura at mapanlait, Nangangaltas sa suweldo Gumagawa ng sariling alituntunin, Ayaw pauwiin ang manggagawa, Kulang ang ibinibigay na benepisyo.
Para sa kauohan ng labin-dalawang pahina na dokumento, tumungo sa www.alexasuncion.multiply.com.
* * *
Sa ating kolum tungkol sa Piinay na pinatay ng kapwa Pinay sa Saudi, ito ang natanggap kong sulat:
“Good day Mr Paredes. I am the son in law of Mrs Leila Castano which you wrote about in your column in abante a few days ago. I am feeling the pain of my wife who is by the way 7 months pregnant right now. Losing one’s mother is painful enough but losing her to a gruesome and heartless crime is really devastating. Why can’t the government help the victim instead of the criminal? We are ready to go to war if ever a politician (especially now that’s campaign time) tries to use this case to gain publicity and air time by helping the murderer. Let the law there be implemented and let us not make the criminal a hero.
“We are the victims here. By the way the woman detained is not a friend of 20 years, my wife lived in Saudi for 10 years and she doesn’t even know her. Our dad only met her twice. We would like to ask for your help if ever this case becomes a diplomatic issue.” — Dr. Zalveen Chua
At, ako naman ay kasama rin ninyo na naniniwalang dapat na hindi kinalilimutan ang karapatan ng pinatay na mabigyan ng hustisya bago panglagaan ang karapatan ng salarin. Hindi naman dahil lamang ito ay nangayari sa ibang bansa ay dapat na nating ituring ang pumatay sa kapwa Pinoy na kinakawawa ng mga dayuhan. Kung ang kaniyang pinatay ay wala namang pagkakasala sa kaniya, lalo na ito’y kaniyang kababayan, dapat lamang na sundin ang batas ng bansa kung saan nangyari ang krimen. Kung mapupugutan man siya ng ulo, ang masasabi ko lamang ay: “Good!”
Hindi natin dapat na kaawaan ang mga masasamang tao — kahit na siya’y kapwa pa nating Pinoy!
# # # #
hvp (07.13.09)

One Comment
Magandang araw po. Dito po ako sa khobar regarding sa pinay na pinatay kapwa pinay ang pag kakaalam ko po yung namatay ay inaanak niya yung anak nung pumatay na ngayun ay going to 13 yrs old na po.. Sana po lumabas yung katotohanan kung siya ang pumatay dapat siyang parusahan pero kung napagbibintangan lang po siya kawawa naman di po ba..
Post a Comment