Skip to content

Utak Talangka

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Matagal nang nakabinbin ang plano na prinsahan o magtayo ng dam sa Ilog Laiban sa Tanay upang magamit ang tubig ng Metro Manla. Ito’y unang pinagusapan noon pang dekada 70. Kaya lamang, kahit anong ginawang kwenta ng mga kinauukulan, hindi natuloy-tuloy ang plano dahil sa hindi nila makita kung papaano magiging ekonomikal ang proyekto. Kahit papaano nila isipin., natitiyak na malulugi ang proyekto. Malaki ang gastusin at maliit ang kikitain.
Dahl dito, noong 1984, inisantabi na ng pamahlaan ang proyekto; imbes nilagyan ng tubo na nakabaon (underground pipe) sa ilalim ng Sierra Madre mula sa Ilog Umiray tungo sa Angat Dam. Kahit na ganoon kahirap ang ginawang pagkuha ng tubig galing sa Umiray hanggang sa Angat, mas madali pa rin ito kaysa kung kinuha ang tubig mula sa Laiban na nasa Tanay lamang at mas malapit sa Metro Manila.
Kamakailan, lumapit ang San Miguel Corporation sa MWSS upang ipaalam na handa silang itayo ang dam sa Laiban. Ayon kay Ramon Ang, presidente ng SMC, ang kanilang nilalaan para sa proyekto ay P54 bilyon at kasama nila ang dalawang kumpaniyang Hapon sa proyekto.
Gaya ng nakasaad sa batas, binigyan ng MWSS ang lahat na interesado na tapatan ang alok ng SMC. Ngunit, wala ni isang sumulat sa MWSS upang ipakita ang kanilang interes na tapatan ang alok ng SMC.
Bakit ngayong malapit nang tanggapin ng MWSS ang bid ng San Miguel ay napakarami ang nagrereklamo? Sabi pa ng ilan na dapat raw na ipakita ng SMC sa lahat na intersado kung papaano nila gagawain ang proyekto. Bakit naman papayag ang SMC na ipaalam sa madla ang lahat ng kanilang gagawain? Hindi kaya gagayahin lamang o kaya’y pupunain lamang ang kanilang mga plano?
Ang sagot nga ni Mr, Ang ay dapat na kung mayroong ibang interesado, isumite rin nila ang kanilang plano kung papaano nila gagawain ang proyekto imbes na gagayahin lamang nila ang plano ng SMC at mga partner nito na Hapones. Wala namang sekreto sa planong ginawa ng SMC dahil matagal na rin ang unang planong ginawa ng pamahalaan noon pang 1970; ngunit, dapat lamang na kung mayroong ibang interesado, dapat na gumawa sila ng kanilang plano, costing at iba pang kinakilangan upang ipakita sa MWSS na kaya nilang gawain ang trabaho. Huwag naman silang aasa na gagayahin lamang nila ang alok na sinumite ng SMC sa MWSS.
Sa katunayan, ilan bang paraan ang pag-gawa ng dam at paglatag ng tubo patungo sa paroonan ng tubig. Kahit naman siguro mga engineering student pa lamang kayang alamin ang mga bagay na ganito.
Ang malungkot ay pinabayaan ng iba na lumipas ang deadline noong Hulyo 8, 2009 upang magpakita ng interes sa Laiban Dam at noong dumaan na ang deadline bago sila nag-reklamo na hindi sila nabigyan ng pagkakataong tapatan ang alok ng SMC; at upang matapatan nila ito, dapat raw na ipakita sa kanila kung ano nga ang alok ng San Miguel. Gusto nilang ipakita sa kanila ang feasibility study ng SMC. Sagot ni Mr. Ang: “We will not give it.”
Sa mga nagrereklamo pa na mayroon raw “take or pay” sa alok ng SMC, pinaliwanag ng MWSS at ni Mr. Ang na pag natapos na ang proyekto bago pa gagawain ng MWSS ang desisyon kung ibibigay nga ba nila ang hiling na ito ng SMC. Ayon pa kay Ramon Ang na kung mayroong ibang interesado sa proyekto, dapat lamang na papayag rin sila na ang kontrata sa bayaran ay tatapusin lamang kung kailan ang tubig galing Laiban ay maaari nang gamitin ng MWSS.
# # # #
hvp (07.15.09)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*