Skip to content

Sulat ng 2 OFW

Deretsahan

ni Horacio Paredes

“Sir, natutuwa po ako sa tuwing ma i-feature nyo ang political will ni Bayani Fernando, ang mindset.  Ito na po siguro ang pinakamura at pinakasimpleng programa para mabago ang ating sosyedad mula sa pagkakalugmok ng ating  bansa, “ang simple at seryosong pagpapatupad ng batas”.
“Dito po sa inyong pinakahuling article ‘Perlas:  What we’ve always needed’, eto na rin siguro po ang katuwang na programa ni Bayani Fernando sa pagtataguyod ng pagbabago ng ating lipunan, ngunit meron po akong gustong idagdag at sana ay tunghayan nyo rin ito Ginoong Ducky Paredes, ang “Filipino Code of Ethics” ni Manuel L. Quezon.  Kung hindi po ako nagkakamali, eto po ginawang panuntunan noong panahon MLQ sa mga musmos na mag-aaral, at ang masaklap eto po ay nawalang parang bula na hindi man lang napalitan ng kahit na anong panuntunan (ayon din po sa aking pagkakabasa).  Dito po ay itinuturo ang pagmamahal sa panginoong Diyos at pati ang pagmamahal sa magulang at higit sa lahat ang pagmamahal sa bayan.  Sa totoo lang po, ako ay 53 anyos na at natatandaan ko na wala po akong natunghayan sa aming skwelahan ukol sa Filipino Code of Ethics.
“Sa ibang dako po ng aking adhikain, na siguro po ay may 12 taon na ang nakakalipas, ako po ay nagnanais noon na ako ay makabangon sa pagiging tsimoy dito po sa bansang Italia.  Akin pong napagtuunan ng pansin sa pamamagitan programa ng OWWA ukol sa livelyhood training program.  Napakaganda po ng programa ngunit eto po ay isang training na nangangailangan ng pag gugol ng panahon sa Pilipinas upang maisakatuparan ito.  Sa panimula, ako po ay sumulat sa OWWA Milan office, sa TLRC (ang address po ay dating nasa Buendia, Makati), at kay Ginoong Wilhem Soriano.  Inaamin ko po, na sa simula ay pawang pangsariling interest ang umiral sa akin, ngunit, akin pong napagtanto na  what is good for me is also good for the OFWs as a whole.  Here are the following suggestions I made:
“1.  That OWWA Milan office shall be equipped with learning materials on livelyhood training.
“2.  That creation of Mobile Training Team to provide training on entrepreneurship or Basic Business Training among OFWs.
“3.  That OWWA shall launch an intensive information drive about the business training.
“Sinabi ko pong business training on job sites kasi eto po siguro ang pinaka appropriate training na maaring mapagtuunan ng OFWs.  A Business na gagawin sa Pilipinas, at hindi po sa abroad.” — Roberto B. Villaflores, Milan, Italy
* * *
Mula naman kay Romeo Polistico: “Good morning Mr. Ducky — Kahit hindi mo ito ilathala, gusto ko lang sabihin na marami dito sa Saudi ang naghihimagsik ang kalooban sa proposal ni Gordon ng pagbibigay ng amnestiya sa mga Abu Sayaff.  Hindi ako magtataka kung bakit maraming mga sundalo at pulis ang naghihimagsik din ang kalooban dahil sa ideyang ito na masasabi nating galing sa utak lamok.  Ano na ba ang nangyayari sa ating mga politiko?  Sa ganitong mga malalaking issue mo makikita kung sino talaga ang may utak o wala. Salamat –  Monching

# # # #
hvp (07.20.09)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*