Skip to content

Ang Ka-awa-awang Kliyente

Abante (07.23.09) Deretsahan

ni Horacio Paredes

Kamakailan, nalathala ang ginawang protest demonstration ng isang di-kilalang grupo na ayon sa mga nakasaksi ay hindi hihigit sa dalawampung tao.  Ang pangalan ng tila bagong usbong na cause-oriented group ay Women Against Medical Malpractice and Abuse.
Nag-demo sila sa tapat ng isang kilalang beauty clinic sa Quezon City na kung saan naging pasyente ang isang babae na kamakailan lamang ay nagreklamo sa ginawang pagpapatambok sa kanyang puwet mga pitong taon na ang nakaraan.  Ayon sa pasyente, hindi mahusay ang pagkagawa at ito’y nagdulot sa kanya ng iba’t ibang uri ng karamdaman, sanhi daw ng astrogel na ginamit ng doktor na gumawa ng buttock enlargement sa kanya.
Tila malaking problema ang hinaharap ngayon ng pasyente dahil sa kasalukuyan, siya’y naka-confine sa isang pribadong ospital para remedyohan ang kanyang mga karamdaman.  Siyempre, kailangan niyang gumastos para sa mga gamot, mga doktor at sa kanyang confinement.
Subalit may karagdagang problema pa siya dahil ang kinuha niyang abogado ay parang may sariling agenda. Ayon sa mga nakakaalam, hindi pa man daw siya nagsasampa ng pormal na kaso sa korte para sa kanyang kliyente, nakipagusap na daw si attorney sa mga kinatawan ng clinic at deretsohang nagdemanda ng malaking halaga para maayos na lang ang kaso.  Walang masama dito dahil talaga namang mas mahusay at menos gastos para sa mga magkatunggali na sila’y magkasundo at mag-ayusan na lamang sa labas ng korte.  Ang lubos na nakakadismaya daw ay ang halagang hinihingi ni attorney na higit triple sa napagusapan nila ng kanyang kliyente.  At hindi lang yun, dagdag pa sa pera, dapat daw bigyan din siya ng bagong sports utility vehicle!
Sa madaling salita, ang gustong mangyari ni attorney ay kaliwa’t kanan ang kabig, kung saan mas lalamang pa siya sa kanyang kliyente.
Marahil, para ma-pressure ang nagpapatakbo ng clinic na pumayag sa kanyang hinihingi, hindi malayong si attorney ang bilisang bumuo ng grupo na siyang nag-demo noong nakaraang linggo. Madali siyang makahakot ng mga demonstrator dahil siya’y kasapi ng isang maka-kaliwang grupo.  At may kontak din sa media itong si attorney na  pwede niyang gamitin bilang dagdag na panakot sa clinic.
Kawawang kliyente.  Bugbog na ang puwet, gulpi ang bulsa, at tila ngayo’y gusto pang isahan ng sarili niyang abogado.
* * *
Ag nadidinig kayang boses ni Gubernador Ed Panlilio ay ang boses ng Diyos o boses ng iba na sinsabing tumabo siya sa pagiging Pangulo ng bansa?
Sa tingin ko’y hindi maaaring boses ito ng Diyos dahil wala pa naman siyang napapakitang galing sa pagpatakbo kahit na ng isa lamang lalawigan. Para naming hindi ako makakapaniwala na gusgustuhin siyang aging Pangulo natin ng Maykapal na nagmamahal ng Pilipinas. Alam naman Niya kung ano ang kagulohang magiging resulta kung ang isang taong walang galing ang Kanoiyang iluluklok sa Malakanyang.
Kaya, Among Ed, dinggin niyo pong ulit nang mabuti ang boses; baka hindi boses ng Diyos uyan kundi boses na nagmumula sa isang nilalang na mayroong sungay at buntot na niluklok ng diyos sa mainit na lugar.

# # # #
hvp (07.22.09)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*