Deretsahan
ni Horacio Paredes
Parang hindi natin gaanong naiintindihan kung ano ang SONA. Sa kay tagal-tagal nang mayroon tayong State of the Nation Address ng Pangulo, hindi pa rin yata tumatalab sa ating isipan bilang bansa kung ano nga ba ang dapat na nangyayari sa araw ng SONA.
Para sa ilan na mga pulitiko natin, ito ay araw para gumawa ng mga gimmick. Marami sa kanila ang nakikimartsa sa mga taong mayroong mga reklamo laban sa pamahalaan. Parang hindi nila nakikita na kung galit ang mga ito sa giobiyerno, pati sila na parte ng gobiyerno kahit na sila’y maka opposisyon pa, ay kalaban ng mga ito. Sa totoo, hindi rin sila gaanong tinatanggap ng mga demonstrador at ginagamit lamang sila at nagpapagamit rin naman sila sa paniniwalang lumalawak ang kanlang mga kakampi. Meron ring ilan na nag-bo-boycott. Papaano mo natutupad ang rtungkulin mo kung wala ka sa sesyon? Hindi ba’t ang isang tungkulin ng isang mambabatas ang dumalo sa mga sesyon?
Ang mga tumutungo naman sa SONA na gamit ang mga alahas at mga sayang hanggang lupa ay parang hindi rin naiintindihan na ang SONA trabaho. Pinakikinggan ang Pangulo upang alamin kung saan niya dadalhin ang bayan at ang mamamayan sa susunod na labin-dalawang buwan. Bakit ka mag-sasaya upang dinggin ito? Bakit mo dinadala ang misis mo at dadamitan ng bale isang milyong piso na halaga ng alahas at damit na sinusuot? Bakit pati ang mga anak na musmos pa’y dadalhin sa okasyong ganito?
Seryosong usapan ang SONA at hindi dapat ginagamit sa pamumulitika. Lalong hindi natin dapat pinababayaan na ang mga maiingay sa kalye ang pinapansin. Ang SONA ay okasyon upang ang mga pinuno ng bansa — Pangulo, Gabinete, Senador, Kongresman at mga pinuno ng mgs LGU ay dapat na pinag-iisipan ang binibigkas ng Pangulo na plano niya para sa bansa.
At, pagkadinig nila nito, dapat na pinag-iisipan nila ang sinabi hindi upang mapintasan sa kauna-unang taga-radyo na ilalapit ang mikropono sa kanila kundi upang pag-isipan kung papaano nila madalala ang mensaheng ito sa kanilang lalawigan o munisipyo. Ganyan ang SONA ng magandang bansang demokratiko.
Hindi ito araw upang ginagamit sa palakasan ng boses. Hindi ingay ang kailangan natin sa araw ng SONA at hindi ring bonggahan at pasiklaban.
Nagsimula ang SONAng magulo noong nagtagpo ang mga estudiyante at si Pangulong Marcos sa harap ng Kongreso noong simula ng pangalawang termino ni Macoy. May dalang mga karatula ang mga estudiyante at halos tumama ang ilan sa Pangulo ng bansa.
Mula noon, ganito na ang mga SONA natin, puwera lamang noong panahon ng Martial Law.
Sana ang sunod na Pangulo natin ay pag-isipan ang mas ma-ayos at mas may makabulohang paraan na pag-diwang sa kaniyang mga SONA.
# # # #
hvp (07.29.09)

Post a Comment