Deretsahan
ni Horacio Paredes
Ang Political Will (Paninindigang Pulitikal) Credo ni Bayani Fernando ay ganito:
“Na, ang mga batas ay solusyon;
“Na, ang mga batas ang pinakamagaling na pinagkaisang isip ng mga Pilipino;
“Na, ang mga batas ay nagtatakda ng gawain upang maging lkatulong ng bansa sa produktibong paggawa;
“Na, may mga batas na sa halos lahat ng ating mga pangangailangan at suliranin;
“Na, ang mga batas ipatupad at sundin lamang ay titino at sasagana tayo.”
Si Bayani ay isang orihinal na miyembro ng Partidong Lakas. Naniniwala siya na ang kaniyang partido na kasama na ngayon ang Partidong Kampi ang pinakamalakas na partido sa bansa dahil ang karamihan ng mga naglilingkod na mga opisyal mula sa mga konsehal hanggang sa mga pinkamatataas na pinuno ay kasapi ng dalawang partidong nagsanib.
Ang mensahe ni Bayani Fernando sa Partido niya ay ganito naman: “Sa katatapos na State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo, dito ay binangit niya na ang mga presidentialbe ay nararapat lamang daw na mag trabaho ng tapat as pursigido. ‘Yung walang pang-aalinlangan. Aniya, ‘If you really want something, just do it hard, do it well. . . Don’t pussyfoot; don’t ponder!’
“Ang ibig po bang pakahulugan ni Pangulo rito ay dapat ang susunod na pangulo ay isang action man, iyong may political will gaya ni Chairman Fernando?
“Hindi natin pinapangunahan ang Pangulo. Kung atin lang susuriin ang pahayag na ito ng Pangulo, ang kanyang pinapahiwatig ay kailangan ng ating bansa ngayon ay lider na hindi nagtutumpik-tumpik, ‘yung walang takot ipatupad ang batas at programa ng pamahalaan, ‘yung hindi nataaatakot kung sino man ang kanyang masasagasaan basta’t ito ay magreresulta sa kabutihan ng mas marami.
“Maging batayan po sana ito ng Lakas-Kampi-CMD at iba pang partido sa pagpili ng kanilang standard-bearer sa pang-pangahulugang eleksyon sa May 2010, hindi itong kung sino lang ang popular at mataas ang rating sa opinion surveys.
“Kung susundin ng Lakas ang kaisipan ng ating Pangulo, ang kanilang dapat piliing standard-bearer ay katulad ni Chaiman Fernando at Senator Richard Gordon, mga kilalang action men,
“Lubos ko nang napatunayan ito nang naging model city sa kaayusan at kalinisan ang Marikina nung panahon ako’y mayor dito.
“At ngayon sa MMDA, napakarami ng aming ginawa at ginagawang programa na higit na nagpapaayos sa buong ka-Maynilaan.
“Hindi dahil popular ang isang kandidato at mataas na ang kanyang tsansang manalo.
“Oo, maaaring mahalaga ang popularidad, ngunit mas pinagbabatayan na ngayon ng mga tao ang mga ginawa ng kanilang iboboto.
“Mas mahalaga ang political will ng isang kandidato.”
Iyan po ang paninindigan ni Bayani Fernando.
Ang isang magaling kay Bayani ay nakita na natin na kung anuman ang kaniyang na-iisip ay kaya niyang ipatupad. Ito’y pinatunayan niya sa kaniyang nagawa sa Marikina at, kaniyang ginagawa ngayon bilang pinuno ng MMDA.
# # # #
hvp (08.17.09)

One Comment
Sang-ayon po ako sa inyo na isa si Bayani Fernando sa dapat mamuno sa ating naghihikahos na bansa. Siya nag may pinakamalakas na “political will” sa nagnanais maging pangulo ng bansa. Subok na ang kanyang galing. Isa din s’ya sa hinahangaan ko na liban kina Mayor Jejomar Binay ng Makati City at Mayor Jess Robredo ng Naga City. Ang tangi ko lang alinlangan kay Chairman Fernando ay ang pagkakaugnay niya kay GLORIA MAKAPAL-ARROYO. Kapag siya ay nanalo bilang pangulo sa 2010, bagsak lahat ang pag-asa ng mga naghihikahos na PINOY, katulad ko na maparusahan ang ganid na pamilya MAKAPAL-ARROYO. Yan po ang aking pananaw na pwedeng makasira sa ambisyon niya na maging susunod na pangulo ng Pilipinas. Madami sa katulad kong isang kahig, isang tuka ang nagnanais makita na maparusahan ang pamilya MAKAPAL-ARROYO. Hindi po ba’t ayon sa survey ay mahigit 60 porsyento ang suksng-suka na sa administrasyong MAKAPAL-ARROYO. Yung mga balimbing at mg paru-paro ay nagsisimula na pong maghanap ng madadapuan. Kaya sana po ay mamulat si Chairman Bayani Fernando, habang maaga pa na lisanin na ang kampo ng administrasyong MAKAPAL-ARROYO. Kung mahahalal siya sa ilalim ng partido ng administrasyon ay isang kabiguan na naman ni Juan Dela Cruz at kasiyahan sa pamilya MAKAPAL-ARROYO, dahil sigurado na silang hindi mapapanagot sa mga kalapastanganang ginawa niya sa sambayanang Filipino. Siguradong magbabayad utang si Chairman Fernando. Kaya panawagan ko kay Chairman Fernando, kumalas ka na at kung ikaw talaga ang itinatadhana upang maging susunod na pangulo ng Pilipinas, kahit tumakbo ka na Independyente ay siguradong mananalo ka, dahil marapat ang mga ginagawa mo para sa sambayanang Filipino. Ngunit kahit ano pa ang ganda nang iyong pinapakita, kung sana ilalim ka ng isinusuka ni Juan Dela Cruz, sigurado ako hindi ka magtatagumpay. GISING! Chairman Bayani Fernando, beacause your the MAN!
Post a Comment