Skip to content

Ituloy Ang Laban ni Ninoy

Deretsahan

 ni Horacio Paredes

Noong Agusto 21, 1983, tapos pinatay si Ninoy Aquino sa kaniyang pagbalik galing sa Amerika sa layunin niya na kaniyang kukummbinsihin ang Diktador na ibalik na ang Pilipinas sa Demokrasya, mayroong nabuo na samahang August Twenty-One Movement (ATOM). Ang kaunaunahang malaking ginawang rally ng ATOM ay noong kanilang ginusto na mag alay ng dasal para sa pinatay na bayani sa tarmac ng paliparan kung saan mismo bumagsak si Ninoy. Nakuha nila ito noon at mula nang araw na iyon, taon-taon ay inuulit nla ang pagbigay galang nilang ito kay Ninoy.

Noong si Cory Aquino na ang Pangulo, mas madali na nila itong nagagawa dahil sa ang pangulo ng ATOM na si Reli German ay itinakda ni Cory bilang taga-pamuno ng paliparan.

Ngayong taon, ganito ang sinabi ni Reli sa pagdirwang ng ATOM sa tarmac:

“A while ago, ATOM member Bert Alambatang noted that in the 26 years that have passed since Ninoy was assassinated on this tarmac, 26 members of ATOM have passed away.  That’s one member a year.  Creepy.

“But wait, there’s more interesting trivia.

“Cory Aquino died at 3:18 in the morning.  Three plus eighteen equals twenty-one.

“There are 21 letters in Corazon Cojuangco Aquino.

“Cory died on August 1, 2009 at 3:18.  Remove the zeros, put the numbers together and you’ll get 8129318.  Rearrange those numbers and you will get 8211983.  That’s August 21, 1983.

“Coincidence?  Perhaps, but then, I’d like to think of these figures as a message to us who have been left behind by Ninoy and Cory.  They have done their part.  When will we do ours?

 “Kailan pa natin itutuloy ang laban ni Ninoy?  Kailan pa natin isasaloob ang mga adhikain niya?  Sa tuwing sasapit na lang ba ang ika dalawampu’t isa ng Agosto, o sa kanyang kaarawan sa November 27?

“Napakababaw naman at walang katuturang pagbigay ng dangal sa kanya kung isa o dalawang beses isang taon lang natin bibigyan ng kahulugan ang kanyang sakripisyo para sa atin at sa ating bansa.

“Nakakalungkot.  Nakakapanghinayang.

“Sa ating pagwalang bahala, sige, hayaan na lang natin na patuloy na maghari sa ating bansa ang mga traditional politician, mga trapo; ang mga kurakot sa gobyerno; mga grupong lumalahok subalit laging sinusubok ang hangganan ng ating sistemang demokratiko para ito’y pahinain at kanilang mailuklok ang kanilang uri ng gobyerno; mga abusadong pulis at militar; mga mapang-api at makasariling negosynte; ang mga tamad sa ating lipunan na lagi na lamang umaasa sa mga dole-out at tulong ng iba;  ang ilang kasapi ng religious sector na hindi lamang nakikisawsaw kundi ngayo’y gusto nang mamuno sa larangan ng pulitika.

“Sa ganitong kalagayan, matutuwa kaya si Ninoy?

“Nakakalungkot.  Nakakapanghinayang.  Ang kapal natin.  Ang manhid natin.”

Masakit ang mga salitang ginamit ni Reli ngunit tama rin dahil noon ay ating sinisigaw na “Ituloy Ang Laban ni Ninoy” at, kamakailan naman, pinakita ng bansa ang pagmamahal natin sa kaniyang balo na si Cory ngunit, iyan na lang ba ang ating gagawain? IIyakan na lang ba natin ang mga nangyayari kahit na winawalanghiya na ang bayan at yinuyurakan na nila ang bandila’t dangal ng Pinas? Ilan pa ba ang dapat mamatay upang matuto na tayo na hindi na natin dapat pang pinagsisishan ang nagyayari sa bansa; imbes dapat na ayusin natin na wala nang mga lider tayong pipiliin na ang mga sarili lamang ang pinaglilingkuran.

# # # #

hvp (08.24.09)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*