Deretsahan
ni Horacio Paredes
Sa katatapos lamang na search and rescue operations sa lumubog na Super Ferry 9 sa Zamboanga del Norte, marami ang sumaludo at humanga sa ginawang mabilis at maayos na pagtugon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Philippine Navy (PN), Philippine Coast Guard PCG), Philippine Air Force (PAF) at ilan pang mga commercial vessels upang sagipin ang halos isang libong pasahero ng Super Ferry 9.
Ang unang araw ng search and rescue operations ay naitala araw ng linggo, alas kwatro y medya ng madaling araw ng makatanggap ng tawag ang 3rd Air Division tungkol sa palubog na Super Ferry 9 sa Zamboanga del Norte. Ang nasabing barko ay naglalaman ng humigit kumulang isang libong pasaherong pauwi ng Iloilo at ang barkong sinasakyan ng mga biktima ay tinahak ang Zamboanga peninsula.
Agad ipinadala ang dalawang helicopter ng PAF kasama ang isang OV-10 upang maghanda at masimulan na ang search and rescue operations. Ang PAF ay nagsilbing spotter sa unang araw ng search and rescue operations upang ma-sagip ang mga survivor na nagkahiwa-hiwalay dahil sa mabilis na agos ng tubig at alon. Ang maraming barko na galing mula sa PN, PCG at mga commercial vessel ang nagsilbing taga-pulot ng mga pasaherong kumalat na sa dagat.
Sa ikalawang araw, ipinagpatuloy naman ang paghahanap sa area ng pinaglubugan ng barkong Super Ferry 9 gamit ang Angel 321 kasama ang apat na pararescue personnel upang masagip ang natitira pang buhay. Dahil sa taglay na mala-agilang mata ng mga piloto ng Philippine Air Force, nakita nila ang isang survivor na naka-life vest, patuloy na kumakaway at humihingi ng tulong.
Agad nilang sinagip ang babaeng ginaw na ginaw dahil isang araw nagpalutang-lutang sa dagat. Ang biktima ay nakilalang si Gng. Lita Casunlum, 37 taong gulang, tubong Dadiangan, Ilo-Ilo. Dinala si Casunlum sa ospital sa Edwin Andrews Air Base upang mabigyan ng karampatang lunas.
Ang search and rescue operations na isinagawa ng Philippine Air Force ay pagpapatunay sa tungkuling maging “operationally responsive to peace and development of the country.” Ito ang battle cry ng Philippine Air Force na isinusulong ng kanilang Commanding General na si Lt. Gen. Oscar H. Rabena.
Ang Philippine Air Force ay nagsilbing magandang halimbawa ng responsableng search and rescue operations. Ito ay isang pagapatunay na kahit ano pa mang panganib ay kanilang haharapin upang mailigtas ang buhay ng kanilang mga kababayan.
Ang ult na nabasa ninyo ay isang Press Release galing sa PAF ngunit, sa akin namang pananaw, dapat naman talaga silang puriin dahil sa maganda naman talaga ang naging paglinkod nila sa bansa sa nangyaring sakuna at dapat lamang na sila’y parangalan.
At, dapat ring alamin kung bakit nagkakaganito ang mga barko sa ating bansa na halos taon-taon na lamang ay tiyak na mayroon na namang lulubog na barko. Hindi kaya kung bakit ganito ka-bulok ang mga barko natin ay dahil, ayon sa ating saligang batas, ang mga Pinoy lamang ang maaaring magkaroon ng prangkisa na magpatakbo ng kumpaniya ng barkong pandagat.
Baka makakabuti sa atin kung payagan ang mga mas may salaping mga dayuhan na magtayo ng kumpamiyang magpapatakbo ng sea transportation sa ating bansa. Hindi kaya maging mas bago ang mga barkong kanilang gagamitin kaysa sa mga lumang-lumang ginagamit ngayon ng mga Aboitiz. Sulpicio Lines at iba pa?
* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com
# # # #
hvp (09.14.09)
Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com
Post a Comment