Deretsahan
ni Horacio Paredes
Sa sinabi ni Bise Presidente Noli de Castro tungkol sa mga nag-demo sa kaniyang seremoniya ng pag-bigay ng mga titulo sa ilang mga dating iskwater sa Los Banos, Laguna na ganito: “Bakit ako magso-sorry? Sila ang dapat mag-sorry,” sumasang-ayon ako.
Paliwanag ni Noli: “Dapat sila ang mag-sorry dahil binastos nila ako. Nag-drive ako ng 2.5 hours para pumunta sa Los Baños then pagdating ko doon, babastusin nila ako.” Tama siya; hindi lamang iyon, wala namang kaugnayan ang kanlang protesta sa tinungo ni Noli sa Los Banos.
Ang pinoprotesta ng mga kawani ng Kalipunang Damayan ng Mahihirap (Kadamay) ay ang kanilang paniniwala na napakaraming mawawalan ng trabaho at bahay sa inaayos na riles ng tren mula sa Clamba, Laguna hanggang sa Legaspi City sa Albay.
Ayon kay Bise Presidente: “Sana nilapitan na lang ako. Baka kulang lang, KSP, kulang sa pansin.” Hindi lamang iyong; malamang rin na mali ang kanilang hinala. Pinag-aralan nab a nila ang plano? May karapatan be ang mga nagtayo ng bahay sa riles ng tren na manirahan doon?
Masisisi ba natin ang isang opisyal na ma-inis sa mga taong ganito na imbes na nakiki-usap ay mura agad ang pagbungad nilang salita sa bise president eng bansa.
Dapat lamang na kinakausap ng ganyan ang mga nambabastos at nang-aabuso sa mga kwani ng gobiyerno. Maaari namang kausapin ng maganda ang mga opisyal natin. Bakit kinakailangan nilang agad binabastos ang mga ito?
Sa pinakita ni Noli de Castro (na mukhang hindi na tatakbo pa ulit sa kahit na anupang puwesto sa susunod na halalan), sana’y matuto ang lahat. Hindi dapat na pinababayaan natin ang pambabastos ng tao ng pamahalaan.
“Wala ho akong igagalang sa inyo kapag kayo ay umaabuso sa programa ng gobyerno. Habang nasa gobyerno ako o kahit wala na ako sa gobyerno ang umaabuso sa programa ng gobyerno ay hindi po makakaligtas sa akin.”
Tama pa rin si Noli Boy. Kung mayroong karapatan mayroon ring kapalit na tungkulin. Kung ang ipipilit mo lamang ay ang iyong karapatan at hindi mo naman binibigyan nang kahalagahan ang iyong tungkulin, anong klase kang Pilipino? At, kung lahat tayo ay nag-iisip na tulad nitong mga aktibista, ano ang mangyayari sa ating bansa? Mayroon pa ba tayong pag-asang umunlad kung ang atin lamang ginagawa ay ang umasa sa pamahalaan. Imbes na tumulong, parang ang gusto pa ng mga ito na tuloy-tuloyan silang pag-lingkuran ng lipunan.
Tama si Noli, talagang sumosobra na ang mga bastos na mga ito!
# # # #
hvp (09.21.09)

Post a Comment