Deretsahan
Si Ella Rose ay sumulat sa kaniyang blog na matatagpuan sa http://www.ellaganda.com/?p=1759. Nagkaroon kasi siya ng isang karanasan na kaniyang gustong ipaalam sa lahat.
Ito ang salaysay ni Ella: A group of eight people, your ate Ella included, went to one of DSWD warehouses to help in repacking relief goods. We know they need volunteers pero hindi namin akalaing walang tao talaga sa loob ng warehouse! As in sa isang humongous warehouse (1,000++ sq.m) na punong-puno ng relief goods hanggang bubong, isang DSWD employee lang at isang security guard ang tao!! Kailangang magpa-register at i-schedule ang volunteer.
Bakit kailangan ang scheduling? Feeling hindi ba magkamayaw at nagu-unahan ang mga volunteers? I know somebody who wanted to volunteer many times. She was always bumped off, laging nirere-schedule kasi “there were too many volunteers” daw. At tuwing Sunday lang daw puwede.
Nakatambak ang donations ng UNICEF sa warehouse, local and international.
Mga banig na dapat ay nahihigaan ng mga nasalanta. Mga imported camp beds na hindi na yata masisilayan ng mga biktima. Mga kumot na hindi naman nakabalot sa katawan nila. At mga pagkaing hindi sumasayad sa sikmura nila.
We arrived at about 8 am and left by midafternoon and yes, you guessed it right. Kami pa rin ang tao bukod sa isang DSWD employee sa loob ng warehouse maghapon. Walang ibang dumating.
The relief goods are not moving. By the way things look, they are not going anywhere. Hindi maglalakad mag-isa ang mga donations na ito papunta sa mga evacuation centers.
Mag-iisang buwan na mula nang masalanta ang mga kababayan natin. Anong ginagawa ng mga donations na ito sa warehouse?? Apat na warehouse ang nasa loob ng compound na ‘yon! Apat na warehouse na punong-puno ng inaalikabok na relief goods! Relief goods na ayaw yata ibigay sa mga nasalanta.
Wow! May bagong shipment na naman! At the rate DSWD is moving, next year na madi-discover kung ano ang laman ng mga kahong ito.
Sa maghapon namin sa warehouse,nakagawa kami ng 150 sacks of relief goods. 150 bags of relief goods lang ang lumabas sa warehouse na ‘yon that day. At nandoon pa rin sa loob ang mga imported relief goods, safe, sound and packed as the day they arrived.
Nakisakay kami palabas sa isang DSWD delivery van. Gusto sana kaming ihatid ng driver hanggang Makati pero wala raw siyang sobrang gasolina. Ibinaba na lang niya kami sa gitna ng EDSA. Millions of dollars in donations, walang extrang pang-gasolina.
Susulpot din siguro ang laman ng mga mahiwagang kahon at mapapasakamay din ng mga tao…sa araw ng eleksyon. O mabibili na nila ang mga imported goods na ‘yon sa mga puwesto sa Quiapo at Divisoria.
Alam ‘nyo palang walang mag-volunteer sa inyo, bakit hindi kayo mag-hire ng mga tao? Bayaran ‘nyo ng arawan para mag-repack. Ang daming walang trabaho, makakatulong pa kayo. Hindi naman malaking kabawasan ‘yon sa bilyong pisong donasyon na natanggap ninyo.
· Isa pa, gaano ba karami ang mga sundalo natin? Hindi ba puwedeng ipagawa sa kanila ‘yan? Baka isang araw lang, tapos na ang problema ‘nyo. Bakit hindi ‘nyo ibigay ang trabaho sa mga NGO, churches, private charities, TV stations? I’m sure they are more than willing to help. Time is of the essence. Huwag kayong suwapang. Obvious ba, hindi ‘nyo naman kaya.
Kung talagang gugustuhin ninyong makarating agad sa mga kawawang biktima ang mga donasyong ‘yon, nagawa ‘nyo na ‘yan. Maraming paraan…kung talagang gusto ‘nyo lang.
You are the government. You have the power, the resources and the money. You just have to really care.
Puntahan ninyo ang blog ni Ella sa http://www.ellaganda.com/?p=1759 para makitra ninyo ang mga litrato ng gabundok na mga relief goodsnatiyak na hindi na maaari pang umabot sa sa mga biktima ng mga bagyong tumama sa atin ngayong buwan ng Oktubre.
Baka sa 2010 na maaaring ipamigay ang mga ito – tamang-tama sa Mayo pag malapit na ang halalan.
# # # #
hvp (10.26.09)

Post a Comment