Skip to content

Paninindigang Pamumulitika

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Naiiba ang paninindigang pulitikal (“political will”) sa pagmamatigas ng ulo. Ang una ay dapat na katangian ng isang magaling na lider; ang pangalawa’y gawain ng huwad na lider na walang pagmamahal sa bayan.

Halimbawa, sa susunod na ASEAN Games na gaganapin sa bansang Laos, ang nilalaan na kwarta ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa delegasyon ay sapat para lamang sa 153 na manlalaro at 47 na mga “opisyal” o 190 ang nilalahat.

Ayaw pumayag ang Philippine Olympic Committee (POC). Ang kanilang ipadadala (at kanilang pupunuan ang kwartang galing sa PSC) ay 386 katao na binubuo ng 251 na manlalaro at 135 na mga “opisyal” na binubuo ng mga tunay na may kaugnayan sa ASEAN Games at ilang mga misis at mga anak at iba pang mga sabit lamang sa jeepney ng POC,

Sa laki ng sakunang nangyari sa Luzon dala ng sunod-sunod na bagyo, papapanong  magiging tama ang kagustohang ito ng POC? Mayroon kayang mabuting mangyayari sa bansa natin diyan sa ASEAN Games sa Vientiane, Laos o tatalunin lamang tayo nanaman ng mga bansa sa ASEAN na mas disiplinado ang mga nagdadala ng kanilang Sports Program?

Ano sa tingin ninyo?

* * *

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) mismo, ang presyo ng langis ay lalampas sa $80 bawat barrel pagpasok ng  2010. Kung ganoon, at sa ngayon pa lamang ay nalulugi na ang mga kunpaniya natin ng langis, dapat bang nagmamatigas ang ating Pangulo sa kanyang EO 839 na tinali niya ang presyo sa gasolinahan sa presyo noong Oktubre 15?

Ano ang maaaring mangyari sa ating bansa? Ayon sa mga kumpanya ng langis, sa ngayon pa lamang ay nalulugi na sila sa bawa’t litro na kanilang nabebenta. Kahit na ang  ating titignan lamang ay ang world market price ng langis at ang palitan ng dolyar at piso, talo na sila sa presyo sa gasolinahan noong Oktubre 15. Papaano pa kaya kung idagdag pa ang gastos nila sa pagpadala ng langis sa sa Pinas, dagdag rin ang lahat na gastos at buwis (na hindi naman binababaan ng pamahalaang Arroyo) at ang pagdala ng produkto sa gasolinahan at ang kita ng gasoline station?

Kung patuloy tayo sa ganitong pamamalakad, walang ibang maaaring mangyari kundi umalis ang mga kumpaniyang ito sa bansa natin. Kapag mangayari iyon, meron pa bang maaaring negosyong maitatayo sa Pinas? Kung wala na tayong ma-aangkat na langis, papaano na tayo? Sino pa ang magtatayo ng negosyo sa bansang ito?

Sa kaniyang mga ginagawa sa bagay na ito, ang kinokonsulta ni Gloria Arroyo na akala natin ay mayroong naiiintindihan sa Economics na kayang napag-aralan sa UP at kanyang tinuro sa Ateneo ay si Agnes Devanadera, isang abugado na dahil lamang naging classmate ni Mike Arroyo ay nakaupo ngayon bilang Justice Secretary. Ano naman ang naiintindihan ni Devanadera sa negosyo ng langis at sa Economics?

Ang isang economic adviser ni Gloria mismo ay tutol sa kaniyang ginagawang pagmamatigas ng ulo.

Tinawag ni presidential economic adviser Joey Salceda na matinding pagkakamali at mukhang hindi napag-isipan ang utos ng Pangulo na pumigil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Paninidigang pulitikal kaya itong pinapakita ni Gloriang katigasan ng ulo o panininigang pamumulitika na makakasira ng kalakal at kinabukasan ng  ating bansa?

# # # #

hvp (11.09.09)

 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*