Deretsahan
ni Horacio Paredes
Baket ba pinipilit ng ilan na dapat harapin ni Senador Benigno “Noynoy” Aquino III ang matagal ng usapin ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita? Ayon sa mga nagpipilit sa isyung ito, dapat haraopin ito ni Noynoy kung nais niyang patunayan na karapat-dapat siyang maging lider ng bansa.
Ang mga nagpipilit sa isyung ito ay ang mga maka-kaliwa. Sa huling mga rally sa Hacienda Luisita, mayroong 200 na mga magsasaka raw ng Lujisita at 2,000 na mga maka-kaliwa na galing sa Maynila. Sino ba ang kinakampaniya at ine-endorso ng maka-Kaliwa kung di ang kandidatong dating nagunguna hanggang nagpahiwatig si Noynoy na gusto niyang tumakbo. Paninira lamang kay Noynoy ang ginagawa ng mga “leftist.”
Ano ba ang kaugnayan ni Noynoy sa isyu ng Lujisita, Siya na rin ang nagsabi ng apat na porsiyento lamang ang kaniyang pag-aari sa korporasyong nagpaplakad ng Hacienda. Samakatuwid, hindi siya dapat na sinisisi sa ginagawang pamamalakad ng korporasyong ito. Ang masama kasi sa mga nagsasabing kinakilangan ng hustisya ng mga kumakalaban sa hacienda’y hinusgahan na nila si Noynoy at lahat ng mga Cojuangco na kamaganakan niya.
Papaanong hustisya ang kanilang hinahanap na hindi naman nila binibigyan ng huustisya ang kanila nang mga kinondena sa dahilang kasama sila sa pamilyang nagpapalakad ng Hacienda. Walang kahit na anupamang pag-uusap ang kanilang didingin kundi ang sinasabi nilang dapat na ipamigay ng pamilya ang buong lupain sa mga magsasaka kahit na sa katotohanan ay marami rin naman sa mga dating magsasaka ng Hacienda na natutuwa naman sa pagpalakad ng pamilya at nakikinabang rin naman sa kita ng mga proyekto sa Hacienda.
Ang isyung ito ay gawa-gawa lamang ng maka-Kaliwa. Si Joma Sison mismo ay ineendorso ang kandidatura ng isang kandidato pagka-Pangulo at ang mga maka-Kaliwa naman ang gumagawa ng isyung ito laban sa nangunguna sa mga survey sa ngayon.
Ayon sa maka-Kaliwa, kailangan raw patunayan ni Aquino na kaya niyang ipaglaban ang kapakanan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng lubos na pamamahagi ng kanilang lupain. Gaya ng dating sinasabi ni Pugo: “Dasalotofnonsense!”
Walang magagawa si Noynoy tungkol sa Luisita dahil hindi naman siya maaaring mag-desisyon para sa pamilya dahil napaka-liit ng kaniyang pag-aari, At, sa totoo lamang, kung biglang bumigay ang buong pamilyang Cojuangco at ipamigay ang Hacienda, lalo akong magdududa kay Noynoy at sa kaniyang pamilya dahil baka mayroon na silang pinag-usapan na gagawain ni Noynoy para sa pamilya pag naka-upo na siya sa Malakanyang bilang Pangulo.
Ang sagot ni Quezon Rep. Lorenzo “Erin” Tañada, tagapagsalita ng Liberal Party (LP), ay handa si Aquino na harapin ang mga usapin na ibinabato sa senador.
Ayon kay Tanada: “Sen. Aquino is man enough to face the issues on social justice. He is studying the possible options and solutions how to address the problem that will help the farmers and farm workers.“
Sa rtotoo lamang, kahit ano pa ang gawain ni Noynoy, ang mga maka-Kaliwa ay hindi naman boboto sa kanya dahil mayroon na silang kandidatong pinili na para sa kanila ni Joma Sison na ayaw namang umuwi sa Pinas dahil napasarap ng kaniyang kalagayan sa Europa.
# # # #
hvp (11.18.09)

Post a Comment