Skip to content

Huwag Basta Tanggapin ang Mga Survey

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Parang nagpapkita tayo sa media n gating pagka-bobo kung ating kinakagat klahit anong survey ang nilalabas ng kahit sino na lang. Mayroong nilalabas ang The Center na survey na hindi natin nalalaman kung saan nanggagaling ang mga results. Ang sinasabi lamang ng tagapamahala (na dating business reporter na noong reporter pa ay madalas na gumagawa ng balitang koriyente) na mas accurate daw ang kaniyang sistema (o mthjodology) kaysa sa SWS o Pulse Asia.

Ang payo ko lang sa kapwa media ay alamin muna kung saan nanggagaling ang survey bego natin ito buong-buong nilulunok. Sinong nagpa-survey? Ilan ang tinanong at papaano at saan ginawa ang survey? Totoo ba ang resulta o gawa-gawa lamang?

Kahit pa nga SWS at Pulse Asia ay hindi rin natin dapat na basta paniwalaan ng buong-buo. Pag-isipan naman ng kaunti bago ang mga ito’y iniraradyo o ginagamit sa dyario.

* * *

Sa mga nakakakilala sa prominenteng negosyanteng ito, lubos silang nagtataka sa kanyang mga kinikilos na tila’y nanghihimok ng kontrobersiya at asunto.

 Hindi mo naman masasabing mahina ang kokote ng negosyante dahil siya’y nakapagtapos ng pagaaral sa respetadong unibersidad dito at sa America .  Naging presidente din siya ng isang media company na sister outfit ng isang higanteng network. Nagkaproblema lang siya doon nang ang di-pagkakaunawaan tungkol sa loan na kinuha niya sa kompanya ay nauwi sa korte at umabot sa Korte Suprema na nagpasya laban sa kanya.

Matapos siyang magbitiw, nagtayo siya noong 2005 ng isang telecommunications at media technology company na nakalista sa Philippine Stock Exchange.

 Hindi pa ata siya nakuntento sa dinanas niyang pagkatalo sa kaso sa dati niyang pinagsilbihang kompanya, eto na naman at may pinasok siyang mga transaksiyon na tila patungong muli sa kontrobersiya.

Bumili siya ng real estate property sa southern Luzon .  Hindi siya nakatupad sa pagbabayad kaya ang propriedad ay naremata ng bangko.

Bumili uli siya ng panibagong propriedad, doon din sa lugar na malapit sa una niyang binili, at sa parehong developer.  Dito, binayaran niya ng buo ang halaga ng propriedad.

 Eto ngayon ang panibago niyang problema.  Ayon sa mga report, naiwasan daw niyang bayaran ang wastong buwis dahil diumano, hindi niya dineklara ang tumpak na gross selling price. Ang balita, tila nakarating na ito sa kaalaman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at sisimulan na daw ang pagsiyasat kung pano nakalusot o pinalusot itong hocus-pocus na ginawa ng negosyante.

Sabi ng kanyang mga kaibigan, sa kanyang katayuan bilang negosyante, hindi na siya dapat gumawa ng mga bagay na makakasira lamang sa kanyang reputasyon na nabahiran na, at baka ito’y tuluyan nang mawarat nang husto.

# # # #

hvp (12.16.09)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*