Skip to content

Problema ng BOC sa Shell

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Ano nga ba ang tunay na layunin ng ating Bureau of Customs (BOC) sa ginagawa nilang pang-iipit sa Pilipinas Shell, ang sunod lamang sa Petron na pinakamalaking kumpanya ng langis sa bansa at isa lamang sa dalawang refinery sa bansa?

Ayon sa BOC ang mga parating na imbentaryo ng langis na aabot sa $923 nilyon ay kukunin ng BOC pambayad sa utang ng Shell sa kaniyang mga importasyon ng catalytic cracked gasoline (CCG) at light catalytic cracked gasoline (LCCG). Ayon sa BOC, hindi raw binayaran ng Shell ang buwis sa kanilang inangkat na CCG at LCCG mula 2004 hanggang 2009.

Ayon kay Arnel Santos, vice president for manufacturing ng Shell, kung mangyayari ito, wala silang magagawa kundi “stop operation” – titigil ang trabaho sa refinery at serado ang planta: “We have not shut the plant down, but when seizure takes place that’s when the consequence will take effect. Our stocks can cover 10 to 20 days, depending on the product. If they would confiscate the importation, we have no choice but to shut down the refinery.”

Paliwanag ng Shell na ang CCG and LCCG ay raw material lamang sa pag-gawa ng unleaded gasoline kaya walang batayan ang BOC sa pag-kolekta ng excise tax sa mga ito na ginagamit na dagdag sa gasolina upang ipatupad ang mga iniuutos ng Clean Air Act. Hindi ginagmit ang CCG at LCCG bilang gasolina kundi additive lamang ang mga ito.

Ang excise tax ay binabayaran ng Shell sa gasolinang binebenta nila sa mga estasyon ng gasolina hindi sa pagpasok ng mga raw material. Sumasangayon ang Department of Energy (DOE) at ang  Bureau of Internal Revenue (BIR) sa paninindigan ng Shell, kaya ano nga kaya ang gustong mangyari ng Customs at ni Napoleon Morales? Bakit hindi na lamang hintayin ang magiging hatol ng Court of Tax Appeals sa reklamo ng BOC kontra Shell?

Bakit kinakailangan pa na guluhin ni Morales ang Shell na isa sa pinakamalaking taxpatyer ng Pinas? Halos isang libo ang mga estasyon ng Shell at ang Shell rin ang pinanggagalingan ng gasolina ng ilang maliliit na kumpanya. Shell ang ginagmit ng 24 na porsiyento ng mga sasakyan na nasa daan natin at kahit na ang mga eroplano at barko. Meron ring 17,000 na nagtatrabaho sa mg estasyon ng Shell.

Ano ang sagot ni  Morales sa pahayag ng DOE at ng BIR na tama ang Shell at hindi sila dapat na magbayad ng excise tax sa pagpasok ng CCG ay LCCG sa bansa kundi ang excise tax ay biknabayaran lamang sa pagbenta ng gasoline sa estasyon bilang retail sale? Ayon may Morales, wala raw saysay sa kanya ang DOE at ang BIR, basta kinakilangang bayaran ng Shell ang utang nila kay Morales!

Ang masasabi ko lang ay: Mabuti naman at pagpasok ng sunod na pamahalaan, baka naman mas matalimno na ang uupo sa BOC at hindi ang mga kulang ang naiintindihan sa pamamalakad ng negosyo at ekonomiya.

Papaano uunlad ang bansang ito, kung ganito ang mga namamahala sa mga sangay ng gobiyerno kinauugnayan ng mga negosyante?

# # # #

hvp (01.20.10)

 

 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

One Comment

  1. Biskwit Mamaw SINGAPORE wrote:

    Very dubious ang motives ng BoC sa pagi-insist nila na may utang ang Shell sa kanila. Unang-una, malapit na palitan ang BoC commissioner…last chance na niya ito para makakuha ng malaking “Finders Fee” kung magbabayad ng tax ang Pilipinas Shell sa kanila. Pangalawa, kung talagang may pagkukulang ang Shell sa pagbayad ng taxes since 2004, e bakit ngayon lang naniningil ang BoC? Ilang beses na nagpresent ng evidence ang Shell na ginamit nila ang CCG & LCCG bilang raw materials lamang sa paggawa ng unleaded gasoline. Tsaka hindi naman dine-deny ng BIR at BoC na nagbayad na ng buwis ang Shell para sa nasabing unleaded gasoline. FYI, CCG & LCCG (raw materials) is NOT EQUAL to unleaded gasoline (finished product)! Hindi pwede gamitin sa kotse at lalong hindi pwede ibenta sa merkado ang CCG/LCCG dahil hindi ito pasado sa Clean Air Act. Malinaw na malinaw na double taxation ang ginagawa ng BoC. Tila bang ini-institutionalize nila ang corruption sa ating bansa. Nakakahiya sila! Shame on you, BoC!

    Thursday, February 11, 2010 at 4:29 pm | Permalink

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*