Skip to content

Pulitika sa Makati at Maynila

Deretsahan

 

ni Horacio Paredes

 

Sa lahat ng survey sa Makati, si Vice Mayor Ernesto Marcado ang nangunguna sa ibang mga kandidato sa pagka-alkalde – Jun Jun Binay, Win Genuino at Butz Aquino. Kalahati ng mga konsehal ay kanya at karamihan ng mga Chairman ng mga barangay; ngunit, maaari pa rin itong mag-bago dahil na rin mismo kay Mercado.

Malaking pagkakamali ang ginagawa niyang pang-aapi kay Jun-Jun Binay, konsehal na tumnatakbo rin sa pagka-Alkalde. Tinanggal niya si Binay bilang Majority Floor Leader.

Si Binay naman ay tumungo sa korte upang ipa-walang bisa ang paghtangal sa kanya dahil bumoto si Mercado sa resolusyom kahjit wala naman dapat na boto ang Vice Mayor sa mga bagay na mga konsehal lamang ang nag-dedesisyon. Hindi naman ito ordinansa kung saan bumoboto ang Vice kapag pantay ay boto kundi re-organization lamang ng konseho.

 Pinipilit ni Mercado si Binay na pumirma sa isang agenda kung saan ang pag-uusapan ay ang re-organization ng konseho. Ang gusto ni Binay na pag-usapan ay ang pagpapalawig ng deadline sa pagbayad ng amliyar. Dahil ayaw pirmahan ni Binay (bilang majority floor leader) ang agenda , siya mismo ang sinisisi ni Mercado kung bakit raw hindi napapasa ang ordinansa tungkol sa buwis,.

Maling-mali si Mercado sa bagay na ito. Nangunguna na nga siya sa mga survey; ngunit sa kaniyang ginagawa, lalo niyang binubuhay ang kandidatura ni Binay (na kaya palang suwagin si Mercado) at marami sa Makati ang natatanaw kung anong klaseng dikltator si Mercado kapag ito ang kanilang iniluklok sa City Hall. Marami rin ang naaawa sa batang Binay.

Kapag nangunguna ka na sa kampaniya, hindi mo dapat na ipakita ang pagiging marahas mo at ang hindi magandang ugali ng isang pulitiko. Kapag ganoon ka, malamang na tatalikuran ka ng mga botante kahit na marami ka pang pera ni Villar at maraming pinapangakuan ng gantimpala sa pagkapanalo niya.

* * *

Sa Maynila naman, pumapasok na si Lito Atienza at sa susunod na survey, tiyak na makakapantay na siya kay Mayor Fred Lim.

Alalahanin rin na si Erap ang malamang na mananalo sa Maynia at ang napiling suportahan ng Erap ay si Lito Atienza. Hindi ito dapat na pagtakahan. Kahit na nagsilbi si Lito sa pamahlaan ng Gloria Arroyo noong pumalit ito kay Erap, pareho ang paninindigan ni Erap at ni Lito tungkol sa pagsunod sa Saligang Batas. Hindi rin inabandona ni Lito ang matagal nang kaibigan. Si Lim naman na dating miyembro ng gabinete ni Erap ay tumungo sa Edsa Dos mula sa miting ng gabinete at nakita na lamang ni Erap sa telebisyon na kumampi na pala kay Gloria.

Si Mayor Lito Atienza ay isa sa mga nasa Malakanuyang hanggang sa iniwan na ito ng pamilyang Estrada.

Ngunit sinupoportahan pa rin ni Erap si Lim noong tumakbo bilang Senador at sa si Lim ang namuno sa PMP sa Maynila. Ngunit, tnalikuran na naman ni Lim si Erap nang sinuportahan niya si Noynoy.

Noong tatakbo si Lito sa pagka-alkaldde at pinatalsik ito sa Liberal Party noong nakita ni Erap na  wala nang partido si Lito, ang matagal nang kaibigan ay inimbitahan ni Erap na sumama sa Partido ng Masang Pilipino (PMP). Nagsama ang LP ni Lito at ang PMP sa Maynila.

Sabi nga ni Erap na wala naman siyang pagkakaiba kay Lito sa pagmamahal sa kapwa at sa pagtulong sa mga mahihirap. Erap para sa mahirap; Atienza para sa masa.

Sa halalang ito, magkasama na naman ang dalawang matagal nang mag-kaibigan at dating magkasama sa LP sa layuning maka-lingkod sa kapwa at makatulong sa pag-alsa ng mga buhay ng mga mahihirap.

* * *

Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com

 

# # # #

hvp (01.27.10)

 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

One Comment

  1. anjo AUSTRALIA wrote:

    ha? kelan pa nanguna si mercado sa survey.. Survey ng pulse asia 45 percent lamang ni junjun kay mercado.napakalaking lamang .. imposoble na si mercado nangunguna sa lht.. kulelat yan. pulse asia na ngsbi nyan..

    Wednesday, March 10, 2010 at 3:22 pm | Permalink

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*