Deretsahan
ni Horacio Paredes
Tama sana ang payo ni Party List Congreeman Satur Ocampo kung sinunod lamang ni Manny Villar. Ayon kay Satur, ang kaniyang sinabi kay Villar na sinusuportahan nila sa kanyang partylist sa pagtakbo sa pagka-Pangulo: “Face it up in the Senate. Don’t avoid it. Don’t explain to the media. Face it in the Senate.
“If you want to be President, act responsibly and show leadership.”
Ayon kay Ocampo, na tumatakbo sa pagka-Senador sa tiket ni Villar, ginagawa lamang ni Villa ang kaniyang kaugalian kapag siya’y kinokontra; ngunit dagdag niya: “He is being fought right now. If you are being fought upon, you should fight.”
Ano ba naman ito? Kung siya ba ang mapipiling Pangulo ng bansa’y hindi ba tayo maaaring magtanong ng kahit na anuman sa Pangulong Manny Villar? Kung kahit na ang mga kapwa niya Senador lamang ay hindi niya kayang harapin, papaano niya haharapin ang mga may problema sa mga patakaran niya sa pagpapatakbo ng Pinas? Papaano niya haharapin ang mga magbabatikos sa kaniya?
Kung ganito siya, ano pala ang magiging pagkakaiba niiya kay Gloria Arroyo na ayaw rin humarap sa mga katanungan at ayaw ring makinig sa batikos o kahit na ang pagkontra sa kaniyang gustong gawin?
Sa katunayan, sa aking nakikita, ang pamamahala ng Pangulong Arroyo at ang magiging sistema sa pamumuno ng Pangulong Vilar ay hindi magkakalayo. Bababawalan pa rin na humarap ang mga miyembro ng gabinerte sa kongreso at sa senado at marami ring mga spokesperson ang magsasalita upang depensahan ang Pangulo kahit na balubaluktot na ang ginagamit na rason.
Kawawa naman tayong mga Pilipino.
* * *
Ano nga ba ang mabuting katangian ng isang Pangulo? Siya’y dapat na magaling at handang magpaliwang. Kinakailangan natin ng paliwanang upang maintindihan kung ano ang ginagawa ng pamahalaan, anong nangyayari at ano pa ang mangyayari at kung saan tayo patungo. Walang mas magaling na taga-paliwanag kundi ang Pangulo mismo dahil siya rin naman ang nakakaalam ng kaniyang pag-iisip at kung ano ang kaniyang plano para sa atin at sa ating bansa.
Kung ang Pangulo ay hindi kayang humarap sa mamamayan at sa mga dayuhan na gustong makipagnegosyo sa atin, saan niya tayo dadalhin at papaano niya haharapin ang mga pagsubok sa kaniya kung iba ang kaniyang ipahaharap dahil sa ayaw niyang tinatanong siya at ayaw niyang nagpapaliwanag.
* * *
Huwag sobrang aasa sa mga survey. Sa ngayon, ang mga matataas na mga numero na nakakamit ni Villar at Aquino ay parang sila nang dalawa ang pinagpipiliin an. Ngunit, meron pang kampanya. Sa mga darating na araw, lalakas ang mga numero ng mahihina at bababa ang mga matataas. Ganyan kasi talaga ang popularidad – akyat manaog.
Sa pagkakampanya, merong mga makukumbinse sa mga kinakampanya; marami ang magbabago ng pag-iisip. Mula sa isang matagumpay na rally ay maaaring magbago ang mapipili ng isang buong bayan. Nariyan rin ang mga lider pulitikal na pipili kung sino ang kanilang susuportahan at mga samahang gagawa ng kanilang official ticket.
Mali ang pag-iisip na tatlong buwan na lamang ang nalalabi sa kampanya. Ang mas tamang pag-iisip ay: Tatlong buwan pa ang maaaring pagkakataon upang kubinsihin ang bontante na tanggapin ang kandidato mo.
Kaya, huwag magpapadala sa mga survey. Ang magiging resulta niyan sa halalan ay malayao sa kasalukuyang lumilitaw sa mga survey na iyan.
# # # #
hvp (02.03.10)
Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com
Post a Comment