Deretsahan
ni Horacio Paredes
Naku naman, oo! Takot na takot yata si Mayor Enrico “Recom” Echiverri na matatalo siya ni dating Kongresista Luis “Baby”Asistio. Ano pa nga ba ang iba pa nating matatawag sa pag-file ng sumbong ni Recom sa isang hukom sa Caloocan na pumayag naman na iutos na tanggalin ang pangalan ng dating kongresista sa listahan ng mga botante ng lungsod dahil sa matagal na raw na hindi ito nakatira sa Caloocan, dahil sa Makati na raw ito nakatira.
Baka nga mayroong bahay o opisina si Baby sa Makati. Ngunit, tiyak rin na mayroon siyang tinutuluyan sa Caloocan na kaniyang ginagamit na residence dahil doon naman siya bumoboto mula nang nagumpisa siyang bumoto, ilang dekada nang nakalipas.
Ang layunin ni Recom ay ang ipa-tanggal ang kaniyang kaisa-isang malakas na kalaban sa halalan sa pagka-alkalde bilang botante at bilang kandidato, dahil ang isa kasing hindi botante ay hindi maaaring maging kandidato sa pagka-alkalde ng isang lungsod.
Sa tingin ko naman ay maaring makumbinsi ni Recom ang isang hukom (kung papaano mang paraan) ngunit tiyak na hindi ito papasa sa Comlec, Court of Appeals at sa Korte Suprema. Kaya, tuluy pa rin ang kandidatura ni Baby Asistio kasma ng ng kaniyang Bise Mayor na ang dating Alkalde Rey Malonzo.
Ang sitwasyon sa Caloocan ay bale dalawang alkalde – Asistio at Maloonzo –ang tumatakbo laban kay Recom, ngunit magkasama ngayon sa iiisang tiket sina Rey at Baby; at ang kapatid rin ni Baby, si Macario Asistio, Jr. na dati ring Alkalde ay hindi na tatakbo sa halalan kaya mukha talagang may talo na si Recom sa halalang ito kung kaya dinadaan na lamang niya sa pag-didisqualify ng kalaban.
Ngunit, tiyak naman na hindi ito uubra!
* * *
Napakalaki na ng naging gastos ni Manny Villar sa kaniyang kampanya sa pagka-Pangulo. Bilyones na ang inabot at lalo pang lalaki ito. Nang aking tinanong ang isang negosyante kung papaano ito mababawi ni Manny, nagulat ako sa kanhyang sinagot.
Ayon sa kaniya, hindi naman kinakailangan pang bawiin ito ni Villar. Ngayong pumantay lamang siya kay Noynoy, ayon sa businessman, tumaas na ang share ng kumpaniya ni Villar na nakalista sa stock market. Dati raw ay ito ay P1.00 lamang; ngunit, nang pumantay na siya, umabot ito kaagad sa P1.70. Ang laki na ng kinita ni Manny sa kaniyang hawak na shares of stock kahit pumapantay opa lamang siya!
Papaano pa kaya kung manalo pa siya? Baka nga sa kaniyang kikitain sa stock market lamang, ayon sa negosyante, ay bale-bale na ang nagastos ni Villar. At, kung nakikita naman niya na may talo siya, kapag ibenta niya lamang ang kaniyang ang kaniyang sahres ay bawi na agad ang ginastos niya; at, papaano kung matatalo naman siya? Pagbagsak ng presyo sa pagtapos ng halalan at natatalo na si Villar, bibilhin niya ulit ang mga binenta niyang shares at di pa rin nabawasan ang kaniyang kayamanan! Ang galing, ano?
# # # #
hvp (02.10.10)

Post a Comment