Skip to content

Queen’s Gambit

Deretsahan

 ni Horacio Paredes

“Puwede ho bang mai-share itong  aking pananaw  para ipahiwatig ang posibleng maging scenario sa  darating na eleksiyon.

“Mabilis pa sa alas cuatro na tinawagan ni Atty. R. Macalintal  si GMA sa Malacanang at sinabing ang SC ay binasura  na ang complaint para sa pagtakbo ni GMA bilaNG congresswoman sa  2nd distrcit ng Pampanga at sigurado na ang kanyang pagtakbo at pagkapanalo sa Mayo 10, 2010.

“Queen ’s  gambit accepted.  Matalino man raw si Atty. Macalintal pero hindi niya napaghandaan ang bunga  ng kanyang pinag-gagawa.   

“Ang  pangangampanya  ni  GMA   ay magsisimujla sa Marso 26, 2010 sa halalang pang-lokal at inaasahan ang kanyang panalo. Ang ibig sabihin ay sa ika-30 ng Hunyo 201 tapos na ang kanyang termino bilang pangulo ng ating bansa at nagsimula na ang kaniyang pagiging kongresista..

“Ito ang magandang twist of faith.  Ito ang resulta ng queen’s gambit accepted. Sakaling  walang ma-proclaim na panalong presidente at bise presidente pagkatapos ng halalan ng 10 Mayo 2010, puwede pa sanang na sabihin ni GMA na dahil  failure of election, siya pa rin ang uupong Pangulo hanggang hindi pa napoproklama ang bagong Pangulo.

 “Ngunit, dahil sa kongreista na siya sa katanghalian ng Hunyo 30, 2010, wala na siya sa mga maaaring pansamantalang maaaring umupo. Pinili niyang maging  congresswoman kung kaya  wala na siyang karapatang maging hold-over president kung pumalpak ang Comelec at ang halalan.

“Puwede ho bang mapagaralan ng ating mga batikan na mga abugado ang legalidad na umopo si bise presidente Noli De Castro bilang caretaker presiident. 

“Magandang malaman ang sagot na puwede ito para hindi na makabalik si GMA as president.

 “Ang sinasabing may posibleng may malawakang brownout dahil sa El Nino ay posibleng maging sanhi ng failure of automated election.”– Fernando Anluagui, Faith sans frontiers

* * *

Maganda ang naisip mo, Fernando. Dahil rin wala tayong Senate President at Speaker na maaari sanang pansamantalang uupo, maaaring ang Kongreso o ang Korte Suprema ang mag-dedesisyon kung sino ang pansmanatalang uupo. Kung talagang minamalas tayo baka si GMA pa rin ang mapiling Speaker o kaya ang kanilang pauupuin pansamantala.

# # # #

hvp (03.01.10) 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*