Deretsahan
ni Horacio Paredes
Hindi siniputan nina Manny Villar at Noynoy Aquino ang as Sukatan 2010 ni Pastor Apollo Qujiboloy ng Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name. Dahil sa hindi sila dumating, sinabi ni Qujiboloy (na nagpapakilalang “appointed son of God”) na nagpakita raw ang dalawang nangunguna sa mga survey ng kakulangan ng respeto sa lungsod ng Davao.
Bakit, ano ba si Qjuiboloy sa Davao? Siya na rin ba ang appointed na kung anuman sa lungsod ng Davao?
Para sa akin, tama lamang na hindi siputan ang imbitasyon ni Qujiboloy. Unang-una, siya’y tinatawag na spiritual adviser ni Gloria Arroyo at kaniyang pinupuri si Gloria bilang magaling na Pangulo. Sa akin ngang pananaw, kung sino ang gustong itulak ni Gloria sa pagka-pangulo natin, ito ang pipiliin ni Quiboloy na kaniyang ipoproklama na pinili ng Diyos sa mga kandidato sa pagka-Pangulona susunod na pangulo ng bansa.
Kapag si Villa ang piliin ni Quiboloy and pati na rin kung si Noynoy, tiyak na pagdududahan ito na landidato ni Gloria. Sa ngayon, parang si Gibo Teodoro na nga ang pipiliin ni Quiboloy dahil ito naman ang official candidate ng Lakas-Kampi-CMD ni Glorioa Arroyo. Ang mga iba pang dumalo sa Sukatan ay tiyak na hindi mapipili ng “appointed son of God” – Jamby, Gordon, Brother Eddie, Erap, Nicky Perlas. Malamang na si Gibo na ang mapipili ni Qujiboloy.
Sa hindi pagdating nina Manny at Noynoy, baka naman nabasa nila ang sinulat ko sa Malaya noong Lunes: “If someone told me that he was the “appointed son of God,” that would be the end of our conversation. To me, there can be no meeting of the minds between a sane person (me) and someone apparently delusional and a certified nut case.
“So, why are the majority of the Presidentiables attending the presidential forum dubbed as Sukatan 2010 scheduled for tomorrow at the Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name main headquarters?”
* * *
Sa laban ni Manny Pacquiao sa Linggo, kahit na ganoon ka dehado si Joshua Clottey ng Ghana at nakakalamang si Pacqujiao sa pustahan at sinasabi ng kaniyang trainer na babagsak si Clottey sa loob ng siyam na round, hindi tayo dapat na sobrang naniniguro.
Unang-una, hindi ba napapatulog si Clottey ng kahit na sino pang boxer, kahit na ang ilang mas mabigat ang timbang kesa kay Pacman. Pangalawa, maruming maglaro si Clottey. Sa laban nila ni Miguel Cotto, nakakalamang na si Clottey nang kaniyang binigyan ng head-butt si Cotto kung kaya na-disqualify si Clottey at si Cotto ang nanalo sa kanilang laban.
Pangatlo, ang dati nating world champion na si Flash Elorde’y pinahirapan ng isa ring taga-Aftrica, si Love Allotey na tiknalo si Elorde.
# # # #
hvp (03.10.10)

Post a Comment