Skip to content

Mag-Ingat sa Saridon

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Ayon sa World Heal.th Organization (WHO) dumarami sa ‘Pinas ang gumagamit ng Saridon—isang pain-killer na kasalukuyang nillako sa ka-Bisayaan at Mindanao. Marami kasi ang naniniwala sa  taglay nitong ”triple action formula” na hindi lamang mabisa kundi hindi pa raw delikado para  sa mga gumagamit nito. 

Pero lingid sa kaalaman ng mga mamimili, ang dating formula ng Saridon ay naglalaman ng phenacetin, isang active ingredient na napatunayang isang carcinogenic (bagay na maaaring pagmulan ng cancer) at kasalukuyang ginagamit rin sa paggawa ng cocaine. 

Noong 1983 pa nagkaroon na ng product recall ang Saridon matapos mapatunayan ng US FDA na maaari itong pagmulamn ng cancer sa mga taong uminom ng mga gamot na may Phenacetin (kasama na ang Saridon). Ayon sa FDA, ang umiinom ng Sariodon ay  “doubled their chances of dying and were almost twice as likely to die of cancer.”

Subalit hindi dito natatapos ang panganib na hatid ng phenacatin. Napag-alaman din na ito ngayon ay ginagawang pang-halo sa drogang cocaine. Dahil na rin sa magkaparehong kulay, texture at chemical properties ng cocaine at phenacetin, malimit gamiting pang-halo o “extender” ang phenacetin sa nasabing droga. 

Maraming mga drug dealer ang gumagamit sa prosesong ito dahil na rin mas makakatipid sila; sa katunayan, halos 60% na ng cocaine sa United Kingdom (ang timnuturing na “cocaine capital of the world”) ay sinasabing hinaluan na ng phenacetin. 

Dahil dito, sa ngayon, binago na ang formula ng Saridon at ni-reformulate na ang Saridon sa pamamagitan ng pagpalit sa active ingredient na phenacetin ng propyphenazone. Subalit gaya ng luma nitong formula, lumalabas na hindi pa rin lubos na ligtas ang propyphenazone. 

Ayon sa Lareb, isang Pharmacovigilance Center sa bansang The Netherlands, mayroong dalawampo (20) na mga masasamang maaaring mangyari sa mga gagamit ng Saridon at sampu rito ay maaaring makakamatay. Ang mga ito’y ang pagka-hilo, pagka-himatay, low blood pressure, pangingitim ng balat, panghihina ng puso at pagka-matay; iyan  ay ilan sa mga kumplikasyon na maaring maging epekto ng Saridon. 

Maging ang World Health Organization ay nababahala sa panganib ng active

 ingredient sa Saridon na propyphenazone—dahil ang Rate of Rise (ROR) ng mga adverse reactions nito ay umaabot ng 18.2 kumpara sa 1.4 at 0.8 na ROR ng ibang analgesic na katumbas ng Saridon.

Bakit natin ito inuu-lat? Dahil na nga sa sinasabi ng WHO nang panganib sa ating mamamayan dahil sa ans gamut na ito’y nilalako lalo na sa Kabisayaan at sa Mindanao.

* * *

Mayroong sumulat sa atin: “Ako ay isang OFW nakabase dito sa Muscat, Oman. Ang aking pamilya ay nasa San Ildefonso, Bulacan at bayan ito na natatakpan ng Sierra Madre. Kaya ng mapanood ko sa TFC at mabasa sa na ang Bagyong Basyang ay papunta sa direksyon ng Central Luzon, nasa isip ko ito ay lilihis siya patungo sa banda Sur sa Laguna, Cavite, Batangas at malamang sa Metro Manila. Nasabi na sa akin ito ng maybahay ko  noong November 1995 noong kasagsagan ng Super Typhoon dahil tubong San Ildefonso siya at napatunayan ko nga dahil ang bagyo ay lumihis at tumama sa Laguna , Cavite at Batangas. Madalas ay nababasag ang lakas ng hangin sa Sierra Madre Mountain Range at dahil mataas ito ay hindi nakalusot; mula noon ay di na ako nagalala na  ang aking pamilya ay mapahamak sa mga bagyo dumarating sa ating bansa dahil nga sa proteksyon ng Sierra Madre.

“Sa aking palagay dapat pagaralan ng mga taga Pagasa ang tungkol sa Sierra Madre, dahil ito may malaki katugunan/kasagutan kung ang bagyo ba na papunta sa direksyon ng Central Luzon ay tutuloy base  sa kanila prediksyon o ito ay lilihis pagtumama sa Sierra Madre. Marami na ring bagyong nagdaan pero wala pa akong nakita na tumama sa Bulacan.” — Tony B. Solima

# # # #

hvp (07.20.10) 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*