Deretsahan
ni Horacio Paredes
Sumulat si Jonathan: “Nais ko po sanang iparating sa kinauukulan na isa ako sa 10 milyong walang trabaho at hirap na hirap ang buhay ngayon dahil may mga buwanang hinuhulugan kami. Mahigit isang taon na ako wala trabaho at suking suki na ako ng mga jobfairs sa Megamall, Starmall at PESO jobfairs.
“Ako’y 31 taong gulang na tapos ng BS industrial technology major electronics pero hindi nakapagwork sa mga manufacturing electronics dito sa Laguna dahil kelangan daw nila babae at may experience kapag technician. Kaya napaiba ako ng linya ng trabaho, at ang huli kong trabaho ay sa BPO non-voice at naka 2 yrs 4 months ako, Nag mass layoff at isa ako sa mga nadali. Kalat na kalat na ang resume ko sa mga jobfairs at marahil ang iba ding aplikante ganito din ang sitwasyon.
“Lubhang seryoso ang problemang ito sa ating bansa na sana mapagtuunan din ng pansin dahil kung hindi, ito ang pagmulan ng mga krimen, imoralidad. Kumbaga kapit sa patalim, kapag mahina hina ang loob. Pero, may takot ako sa Dios kaya di ko magagawa ang masama. Ang asawa ko walang trabaho at nag aalaga ng 9 na buwang bata anak namin at pansamantala katulong ako habang wala pa trabaho at naghihingalo na ang ipon namin.
“Talagang ibang iba na panahon ngayon mahigpit ang kompetisyon, maraming nangangailangan ng trabaho pero konti available na trabaho. Kung maraming trabaho available di sana may nababakante ganito katagal. Samantalang dati madali me nakakakuha. Siguro isa na rin edad ko. Sa abroad naman class A dapat medical.
“Gusto ko sana sa government office makapagwork kasi mukhang petiks lang trabaho tapos marami pang benifits kaso wala pa akong civil service or bigating backer para makapasok. Sa manufacturing hindi na ko pwede sa edad ko. Pasok daw sa driver at forklift operator kaso wala me alam jan. So, pano na ang buhay? Isa na ako, maghintay na lang at manalangin. Ganun na lang ba?
“Paki relay na lang po ito sa mga kinauukulan. Wala ata nabanggit ang Pangulo natin sa mga tambay na pinoy. Maraming salamat.” – jonathan (sonicflood1979@yahoo.com)
* * *
Tama ka na malaki ang problema ng ating bansa. Ang mapapayo ko lamang ay ang huwag ka dapat mawawalan ng pag-asa. Sa edad na 31, bata ka pa.
Huwag ka masyadong mapili sa trabaho. Kung lumalayo sa iyo ang trabaho, ikaw na ang lumapit. Kahit na sinong negosyante, kapag makita niya na ang nasa harap niya ay hindi mapili at tatanggapin kahit na ano pang trabaho, malamang na kukunin niya kaagad. Maraming walang trabaho ngunit marami rin ang mapili sa kanilang tatanggaping empleyo.
Kung nakangiti ka sa inyong pag-uusap at tatanggap ng kahit na anumang trabaho kahit na pangsamantala lamang, mas lalapit sa iyo ang trabaho. Kung mapili ka sa tatanggapin mo, mas mahihirapan kang makakita ng mapapasukan mo,
# # # #
hvp (08.06.10)

Post a Comment