Skip to content

Dagdag na 2 Taon

Deretsahan

ni Horacio Paredes

 

Hindi kaya mas mabuti kung ayusin muna ang ating pagkukulang sa mga silid at bahay paaralan bago tayo magdagdag ng dalawa pang taon sa curriculum? Hindi kaya mas titindi lamang ang kakulangan natin kung saan ilalagay ang napakarami nang bata na dapat paaralin? Kung dadadagan natin ng dalawa pang taon, hindi kaya na lalo lamang titindi ang ating pagkukulang sa silid aralan para sa ating mga anak?

May sulat si Reginald Carillo, na isang B.S.I.E o educator rin gaya ng ating kalihim sa DepEd:

“Pakihatid naman po sana ng mensaheng ito kay DepEd Sec. Bro. Armin Luistro. Ugnay po ito sa kagustuhan nilang dagdagan ng vocational curriculum aabot sa 2 taon patong sa High School level.

 “Kung talagang gusto ng ahensya na matulungan ang mga estudyanteng Pilipinong kapos sa pinansyal pang kolehiyo at mailaban sila sa pandaigdig na kalidad ay hindi marapat na pahabain pang lalu ang HS curriculum sa dahilang baka pati sekondarya ay hindi nila matapos.

“Mas mabuting ang ibubuhos nilang pondo sa dagdag na curriculum at programa pang Sekondarya ay ilaan na lamang para mabigyan ng ‘Libreng Vocational / Technical College Course’ ang mga nais mag kolehiyo at kaagad kumita sa pagta-trabaho. Hindi sapat ang libreng vocational trainning ng TESDA sa dami ng mag-aaral na gusto mag avail nito.

 “Dagdag na pasanin pinansyal pa nga po ang mahabang sekondarya dahil panibagong pamasahe-baon-project-laboratory-shopwork-miscelaneous na gastos yan, papano naman po yung mga estudyanteng ang puntirya sa kolehiyo ay kursong propesyunal diba’t sagabal lang na curriculum ang vocational trainning sa kanila at hindi rin ito magiging credito sa college units?

“Sana po ay handang makinig ang butihing kalihim Luistro sa mga hinaing ng magulang pati na mga estudyante sa pagpa plano ng kanilang edukasyon.”

* * *

Sa tingin ko, Reggie, wala nang maari pang mangyari upang magbago pa ang pag-iisip ni Secretary Bro. Luistro tungkol sa bagay na ito. Pati ang Pangulo at marami sa ating mga opisyal ay kumbinsido na ang dagdag na dalawang taon ay makakabuti sa kabataan at sa ating bansa. Ngunit, iIto naman ay ma makakatulong sa mga papasok sa college at kukuha ng mga kurso na kinakailangan ng matinding pag-aaral sa batas, math at iba pang pang-college na mga subject. Para naman sa akin ay mas makalalamang ang mga mahihirap kung kanilang pag-aralan ay mga technical skills gaya ng pagiging mekaniko, tubero. Electricviasn, chef o kaya’y karpintero o mason. Ang ganitong mga propesyon ang kulang na kulang sa ating mundo.

# # # #

hvp (08.11.10)

 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

One Comment

  1. sang ayon po ako sa sinuslat nyo.dagdag ng dagdag ng taon pero yong ibang pagkukulang hindi maibsan.

    Tuesday, October 11, 2011 at 7:17 pm | Permalink

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*