Deretsahan
ni Horacio Paredes
Sa mga paliwanag na ginagawa ng Palasyo tungkol sa pagpataw ng e-vat sa sinisingil na toll sa SLEX, NLEX at iba pang toll road sa bansa parang lalo lamang lumilitaw na magulo ang pag-iisip ng pamahalaan. Una, kung titignan natin ang kahulugan ng salitang Ingles na “toll,” ang makikita nating katugma nito sa Wikang Pambansa ay wang iba kundi “bayad” at “buwis.” Sa katotohanan, buwis nga ito.
Ang toll ay kinokolekta ng gobiyerno sa gumagamit ng daan upang ipambayad sa kontratistang gumawa ng Built-Operate and Transfer (BOT) na proyekto. Maliwanag nga na buwis ito at matitigil ang buwis na ito kapag nabayaran na ang kontratista ng BOT. Dahiil ito ay buwis, malamang na hindi naman tama na atin pang ibabayad pa ng e-vat ang isa nang buwis; kundi baka nanan mapapatawan ang lahat na binabayad natin sa gobiyerno sa mga lisesniya ng pagmamaneho o reshistro ng sasakyan at iba pang mga gastusin ng e-vat.
Parang mali rin ang paliwanag ng Palasyo. Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, hindi raw dapat silang pagbintangan sa ideyang patawan ng buwis ang bayad sa toll dahil ito raw ay isang Executive Order na ginawa pa ni Gloria Arroyo na tinutupad lamang ni P’Noy. Hindi kaya parang mali ang ganitong paliwanang?
Kung kay Gloria nanggaling ito at ating ipapatuloy, ang ibig ba sabihin na kung ano ang sinimulan ng dating pamahalaan ay atin ring itutuloy? Sa madalas na pananalitang nadidinig natin galing sa palasyo, parang kung anuman ang ginawa ni Ate Glue ay mali at hindi dapat paniwalaan at tularan; ngunit ngayon hindi lamang sa tinutuloy natin ang hindi man lamang naumpisahan ni Gloria kundi sinisisi pa rin natin sa dating pamahalaan.
Papaano natin ito masisisi kay Gloria sa ganoong hindi naman niya itinuloy? Ayon pa rin sa taga-pagsalita, natakot raw ang babaeng lalong magalit ang tao at dagdag pang si P’Noy raw ay handang mabawasan ang kaniyang popularidad matuloy lamang ang pangogoolekta ng mas maramikng buwis. Baka naman kapag tuluyan nang bumagsak ang popularidad ni Noynoy na parang sa ngayon ay hindi nila binibigyan ng importansiya sa Palasyo ay magsisi ang mga handang-handa na i-sakripiyo ang Pangulo. Mali ang ganitong pag-iisip.
Sa katotohanan, maaari namang makumbinse ang tao sa kahit anumang buwis basta’t mapaliwananan lamang kami. Iyon ang mahalaga, hindi ang pagiging matigas ang ulo ng namumuno at ayaw magpaliwanag. Sa katotohanan kasi, kapag nagpaliwanag ang gobiyerno, mas maiintindighan din nila kung bakit mayroong maraming tumututol sa gusto nilang mangyari at, ang maaaring mangyari ay ang magkaintindihan ang namumuno at ang mamamayan.
Dapat sana’y pinag-iisipan muna ng mga taga-Palasyo ang kanilang sinasabi bago nagbubuka ng bibig.
hvp (08.16.10)

Post a Comment