Skip to content

Palpak Na Naman Kaya?

Deretsahan

 

ni Horacio Paredes

 

 Di kaya palpak na naman ang ginawang pasiklab nina Finance Secretary Cesar Purisima at Customs Commissioner Angelito Alvarez?

Ang unang pasiklab  na ginawa ng pamahalaang P’Noy ay iyong pag-file ng kaso laban sa may-ari ng ilang sanlaan na sinabing may pag-aaring Lamborghini, isang uri ng kotse na mamahalin na wala raw binayarang buwis sa kaniyang negosyo. Parang maganda ngunit para ring hindi pinag-aralan dahil lumilitaw rin na matagal na niyang binenta ang kaniyang mga sanglaan. Marahil, kung ganito nga ang sitwasyon, sa pagdating ng kasong ito sa korte, matatalo ang pamahalaang P’Noy.

Ngayon naman, itong kasong laban sa isang maliit na kumpaniya na nagpapasok sa bansa ng mga tinatawag na luxury cars, ang Viking Haulers, Inc. ay baka ganoon rin ang mangyayari. Ayon sa balita, nagpasok raw ang Viking ng sampung sasakyan – tatlong (3) Lamborghini, tatlong (3) Mercedez Benz, tatlong (3) Porsche at isang (1) Masserati Quadropette mula Enero at Mayo sa ngayong taon at ang binayaran ay P17,400,000 lamang, kulang sa dapat na binayaran, na umaabot sa P85,800,000.

Pang-gulat ang balita, shocking! Ngunit, sa dami ng mga importer ng mamahaling sasakyan – Prestige Cars, Cats, PGA Cars, Jaguar Philippines, Lexus Philippines, at iba pa – bakit ang isa sa pinakamaliit na dealer ang pinunteriya.

Sa akin kasing pananaw, parang hindi naman gaanong nagkakalayo ang mga presyo ng mga sasakayan sa mga importer ng luxury car kaya parang pare-parehio lamang ang binabayarang tax ng mga dealer. Hindi kaya na pare-pareho silang binabayarang buwis sa pagpasok ng mga sasakayan sa bansa? Baka ito ang unang dapat na tinignan ni Commissioner Angelito Alvarez, imbes na parang ang Viking lamang ang kaniyang pinupunteriya at hindi ang kabutihan ng industriya ng sasakyan ang tinatanw niya.

Sa pag-import ng sasakayan, papaano ba nalalaman kung magkano ang dapat na babayaran sa pagdating ng sasakyan sa daungan? Hindi ba’t merong mga tauhan sa Bureau of Customs na sila ang nagtutuos kung magkano ang dapat na bayaran? Tapos, meron ring maraming pumipirma sa computation bago tinatanggap ang bayad at pakakawalan ang sasakyan.

Hindi naman ang nagpasok ng sasakyan ang gumagawa ng komputayon kundi ang Bureau of Customs, di ba? Tapos, upang ma-rehistro ang sasakyan, inaalam rin ng LTO kung magkano ang binayaran at dapat na merong pinapakitang certification galing sa BOC na binayaran ang tamang buwis sa naturang sasakyan.

Sa ganitong paraan, papanong masisisi ng BOC ang taong nagpasok ng sasakyan? Papaano nila patutunayan ang bintang na kulang ang binayarang buwis sa korte kung saan tiyak na patungo ang kasong ito. Meron kayang taga-customs na haharap sa korte at magpapatunay na minali nila ang babayarang tax ng importer na nagpasok ng sasakayan? Papaano rin kung mapatunayan ng Viking na mas mataas pa nga ang kanyang binayaran kesa sa ibang mas malalaking nagpapasok rin ng luxury vehicle sa Pinas? Di kaya lalo lang lalaki ang sunog?

Baka imbes na gumanda ang negosyo ay lalo itong mawala? Di kaya matatakot na ang lahat na mga importer imbes na matuwa sa ginagawang pagbabago ng pamahalaang P’Noy?

# # # #

hvp (08.23.10)

 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*