Skip to content

Ang Kawawang Pinoy

Deretsahan

 

ni Horacio Paredes

 

May sulat galing sa OFW: “Magandang araw po  sa inyo sampu ng inyong mambabasa sa Abante. Nakakalungkot po  yung eksena na hostage drama dahil marami ang nasawi, at katakot-takot na insulto ang inabot ng Pilipinas.

“Katunayan nga asar talo kami dito sa Fiji Island sa mga local nila dito at sa mga British nationals dito. Wala nalang kami kibo. Napakarami nagkamali sa akin pananaw. Una yung humawak ng sitwasyon sa hostage, lumusob sa gyera kulang sa bala. Walang magaling na negosyador na mapakalma yung nag-hostage.

“Saka yung pamunuan ng Ombudsman, kaya lang tangalin sa pwesto eh yung mga pulis na mula kapitan pababa. Pero yung mga milyon dolyar ang ninakaw wala silang magawa, kaya yung Ombudsman head eh dapat tangalin na, wag ng hintayin na sya eh ma impeach pa.yung mga tao naiwan ng last administration  talaga mandarambong na mangugulo pa. Paalisin na yan mga tao nyan. Sa nangyari kasi ngayun eh lumalabas na baka wala nga na kasalanan yung Rambong parak na si Capt. Mendoza. Sana eh aksyunan kaagad ng gov’t yung may mga kaso pa na ganyan ng hindi na maulit.

“Kami dito eh ilang araw na nakalipas eh ini-insulto pa rin ng mga tiga dito.” — Solomon Aradian ng Pandi, Bulacan — Fiji Island

* * *

Tama ka; talagang napakalaki ng pagkukulang ng ating kapulisan. Pinakita nila sa buong mundo na wala tayong kakayanang humarap sa ganoong problema. Ang dapat sana ay nasalba ang lahat na hostage. Sa ngayon, napakaraming sisihan ang nangyayari.

Nahalata rin na hindi pala mahanap ang Pangulong Noynoy sa mga oras na nagsimula ang krisis dahil tinawagan siya ng pinuno ng Hongkong ngunit hindi siya mahanap. Kamalian ring mal.aki na ang pangulo ng isang bansa ay hindi matawagan sa dahilang hindi alam ng kaniyang mga staff sa Malakanyang kung nasaan siya.

Baket rin sinisisi ng pamahalaan ang media na ibinalita ang pinakamaliit na pangyayari sa panghohostage. Ang dapat tanungin ay kung baket pinabayaan nila na mag-cover ang media. Dapat sa isang sitwasyon ng hostage na mayroong isang binibigyan ng tungkulin at karapatan na walang mangyayari sa hostage-taking na wala niyang pahintulot. Ganito ang ginagawa sa ibang bansa at ganito rin ang dapat na ginagawa ng ating mga pulis.

Sa katotohanan kung hindi nakita ng nanghostage na hinuli ang kaniyang kapatid, baka hindi niya pinagbabaril ang mga hostage. Kaninong kaslanan ito – sa nanghuli (kahit maaari naman sanang hinulli ito pagkatapos na ng krisis) o sa media na ginagawa lang naman g ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila’y nag-kokober ng mga pangyayari.

Kailangang bumalik an gating mga pulis sa kindergarten at pag-aralan muli kung ano nga ba ang dapat na ginagawa ng mga awtoridad sa mga sitwasyonh hanito. Kawawa talaga tayong mga Pinoy!

# # # #

hvp (08.25.10)

 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*