Skip to content

Usapang Hostage

Deretsahan

 ni Horacio Paredes

 

Maraming sumulat na OFW tungkol sa panghohostage sa Quirino Grandstand. Tatlo itong sulat sa napakaraming sumulat sa atin. Sa totoo, ang OFW ang mas nakakawawa dahil sa mga dayuhan ang kanilang kaharap sa araw-araw at ang marami sa mga ito’y hindi maganda ang naiisip tungkol sa ating mga Pinoy at sa ating bansa dahil na rin sa pangyayaring pinakita pa natin sa buong mundo – live at buong-buo: 

“As-Salamu Alaikum

“Walang pinagkaiba ito sa nangyari kay kabayang Ted Failon, siya na ang namatayan siya pa ang hinarras ng mga alagad ng batas, Sa aking pagkakaalam ang mga kapulisan at mga sundalo ay siguridad ng mga Tao at ng ating bansa.

 “Tama rin po yung kapag maliliit na tao ay Kulung agad at sibak sa Puwesto, samantalang ang daming Corrupt na tao sa atin at mga gumagawa ng Illigal pero pagala-gala pa rin sila at patuluy na nasa serbisyo.

“Sana po maging parihas ang batas.” Sulayman Andal, Saudi Arabia

* * *

“Patungkol po  sa nangyaring hostage  krisis .Bakit po  ganoon ang  mga  komento sa SWAT na wala silang  makabagong kagamitan ganoon  din po  ang PAGASA ng pumalpak ang  wheather forcast nila. Sinisisi  din po  na walang  kagamitan. Nasaan na po napupunta  ang  binabayad na  tax ng  mga mamayang  Pilipino?

“Di po ba  mas maganda  i-audit  natin  lahat ng  sangay ng  pamahalaan kung  saan napupunta ang  mga budget  allocation  nila? Kung  meron  ba silang  bagong kamagamitan na angkop sa ngayong panahon. Matagal ko nang  nababasa at naririnig  iyang  Military Modernization  Fund  kung ilang  Presidente na ang  nagdaan. Baka  pwede  rin  nating i -audit din. Baka  kasi  kalalabasan  kung me  palpak na  operation  isisi n naman sa walang  modernong  kagamitan. Ako po si Abet  Edu tubong Baguio City-Dubai U.A.E. laging  sumusubaybay  s inyong  kulom.”

* * *

“Isa po akong OFW dito sa Singapore. Naging malaking usapin po dito tungkol sa huling kaganapan sa Quirino Grandstand, Manila na ikinasawi karamihan ay mga dayuhang Insik. Bagamat wala pa sa ngayon insidente ng pang-aabuso sa mga kababayan natin dito, nakakahiya lang pag tinatanong kami na bakit ganun…bakit nila ginawa yon….maraming bakit na patungkol sa mga napakaraming mali at tanong (indirectly) na ganito ba talaga tayong mga Filipino?

“Ang sa aking lang naman po ay, nangyari na ang nangyari, ‘di na natin maibabalik ang mga nawala, ‘di na rin maitatama ang mali, at sana maging hudyat ito sa ating kapulisan paghusayan nila ang kanilang tungkulin bilang alagad ng batas. Para na lang po sa mga susunod na henerasyon at pati na rin po sa amin inosenteng OFW na madalas napag-iinitan. Sana hindi lang po ito ningas kogon na kadalasan nangyayari; ipatupad ang tamang batas kung ito ang nararapat.” — Boy Clarin OFW, Singapore

* * *

Ipagdasal natin ang ‘Pinas at sana’y ayusin rin ng mga namumuno ang lahat na kelangang ayusin. Hindi naman tayo bansa ng mga bobo gaya nang sinasabi nang ilang mga dayuhan (gaya sa isang nilalahat ang mga Pinoy sa sulat niyang kinakalat niya sa pamamagitan ng Internet kahit na ang asawa niya’y Pinay at ganoon rin ang mga anak nila).

Ang malungkot ay marami sa atin ang umaasa na si P’Noy ay isang lider na iaangat ang ating bansa sa pamamagitan ng maayos na pagdadala ngunit nang nangyari ito’y para ring nagging “missing in action” ang ating Pangulo at hindi pa nga mahanap ng namumuno sa Hongkong nang tinawagan niya ang ating Pangulo. Anong mas mahalagang ginagawa niya na ilang oras siyang hindi mahanap kahit na ng kaniya mismong staff?

* * *

Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com

 

# # # #

hvp (08.27.10)

 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*