Deretsahan
ni Horacio Paredes
Ano nga ba ang pinakamalaki nating problema sa ‘Pinas?
Sa aking pananaw, walang iba kundi ang “corruption” o katiwalian. Sa pangyayari sa naging krisis natin sa panghohostage, walang ibang nangyari kundi lumitaw ang katiwalian ng MPD – Pulis Manila. Hindi naman maaaring hindi nila nalalaman ang kanilang tungkulin at ang dapat mangyari kapag mayroon ganitong krisis ang kanilang hinaharap.
Marahil ang isang bagay na nakagulo sa kanilang isipan kung kaya nakalimutan nila ang dapat na ginagawa ay dahil sa kabaro nila ang nang-hostage. Sila’y mga pulis, kaya dapat na alam nila na kapag mayroong nangyayaring krimen – gaya nang pang-hohostage – ang kanilang tungkulin ay ang pigilan o tapusin ang krimen sa paaano mang paraan, kahit kung kinakailangang patayin ang salarin. Kahit na kapwa piulis nila ang nanghostage, kriminal pa rin ito dahil sa ang kaniang ginagawa ay pinagbabawal ng batas. Maliwanang iyon, ‘di ba? Baket parang hindi ito nalalaman ng ating Pulis Maynila?
Bakit magugulo ang kanilang pag-iisip? Nagkasala ba ang pulis na iyon o hindi? Hindi kaya pinaghihinalaan ng mga kapwa niya Pulis na ito’y tinanggal sa pagka-Pulis dahil sa merong mga matataas na tao na gusto siyang tangalin at dahil sa malalaking tao ang mga ito, hindi na lamang sila pumalag. Kung ganito ang ating mga Pulis na hindi ang katarungan ang sinasamba kundi ang pwesto ng taong nag-uutos o gumagawa ng katiwalian, papaano nila ipatutupad ang tama, habang sila mismo ay mali ang pag-iisip?
* * *
Malaking iskandalo na ang ilang Presidential appointees ay naka-pwesto sa mga GOCC at GFI as sa ilang ahensiya ng pamahalaan kung saan milyones ang kanilang sinasahod. Para sa akin, ang pinka-masahol na ganitong nangyayari ay iyong mga natalaga lamang sa pwesto dahil sa naging malapit sila kay Gloria kahjit na wala naman silang naiintindihan sa gawain ng SSS at GSIS.
Ang mga ito kasi ay hinhawakan ang kwarta ng mga manggagawa ng pribado at ng gobiyerno. Bakit sasahod ang mga political appointees ng halos na isandaang milyon taon-taon sa pwesto. Halibawa, ang Chairman na ang tungkulin lamang ay ang magtawag ng board o trustee meeting kada buwan zay P80 milyones ang kiniokiota taon-taon? Wala na ba silang awa sa mga mangagawa na napakaliiliit ng sinasahod?
Baka dapat nang simulan ni P’Noy ang paglilinis ng kaniyang pamahalaan. Una, itigil ang matataas na sahod ng kaniya mismong mga political appointee. Huwag siyang matakot; kung hindi tatanggap ang mga iyan, marami pa rin siyang pagpipilian at marami pa’y mas magagaling kesa sa mga tumulong sa kanya sa kampaniya o kaya’y ang mga rekomendado ng kaniyang mga kasamahang pulitiko.
* * *
Nag-uusap ang dalawang tiyuhin ni P’Noy. Nag-rereklamo ang isa na sa kaniyang mga nirekomena’y wala ni isang itinalaga ang pamangkin. Tanong noong isa: “Bakit, ilan ba ang nirekumenda mo? “Sampu,” ang sagot;
“Ah, kung ganoon, mas OK pala ako.”
“Baket, ilan ba ang nirekomenda mo?
“Lima lang.”
“Ilan naman sa kanila ang naitalaga?”
“Wala rin; pero sa mga nirekomenda ko, mas kakaunti ang hindi nabigya ng puesto n gating pamangkin.”
# # # #
hvp (08.30.10)

Post a Comment