Skip to content

Sulat galing Macau

Deretsahan

ni Horacio Paredes

 

May sulat tayo galing Macau: “Sa abroad po kami nakabase, Kita namin kung paano ang sitwasyon dito, at ang pagkakaiba sa atin, kung bawat isa po sa atin ay nagmamalasakit sa ating bayan, di po sana nangyari ang marahas na pang-hohostages. Sana man lang po ay di na nila pinaabot sa 12 hours ang hostages taking na iyon. Dapat umaksyon agad ang mga opisyal ng ating bansa — nilalahat ko na po sila – kasi dito po sa  Macau, basta sa kapakanan ng mga citizens, lalo na sa mga turista, ay talagang makikita mo ang kanilang pagkilos at pagkakaisa!

“Walang palakasan at lalo na ang pagtuturuan. Lahat sila ay gumagalaw agad! Sana po ay maging aral na sa ating lahat ang mga pangyayaring eto; iwasan na po sana ang pag-sisisihan ng bawat isa! Tulungan po natin si Pres. Aquino para sa ipagtatagumpay at para sa pag-ahon ng ating inang bansa!

“Kahit po andito kami sa ibang bansa ay nais din naming malampasan nating lahat ang mga pagsubok na eto, lalo pa at bansa pa rin ng China ang tinitigilan namin.

“Sa nangyari po ay talagang nakakahiya at di rin namin inaasahan na hahantong sa madugong trahedya ang pang hohostage ng isang pulis na nawala sa serbisyo? Bakit di nila agad kinumpiska ang kanyang mga baril simula ng alisin

siya sa serbisyo? Ang pagkakaalam ko po sa batas, kapag inalis ka sa serbisyo at isa kang pulis, automatic na isusurender mo agad ang mga baril na gamit mo sa serbisyo di po ba? Ano ngang mga patakaran ang meron ang bansa natin?

“Mukha nga pong napakahirap ng mabago pa kahit sino pang mga opisyales ng bansa ang mapaupo sa administrasyon, Sana nga po ay matugunan lahat ng ating pangulo ang mga problema at pagsubok na dumarating sa ating bansa, Di po talaga kakayanin ng iisang tao lamang ang lahat ng eto,kaya po sana lahat ng mga Pilipino ay magkaisa, magtulungan, huwag ng mag-nakaw,huwag po nating ilagay lahat sa balikat ng ating Pangulo ang mga problema!

“Puede po tayong tumulong sa kanya sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan. Sana po ay magkaroon tayo ng malasakit sa bawat isa, disiplina sa sarili, at ang pinakamahalaga po ay yung pagiging tamad ng Pilipino. Marami po sa mga Pilipino ay tamad. Nakakahabag na po talaga ang kalagayan natin!

“Concerned cetizen lang po!” – Priscila Quejano

* * *

Sana nga’y huling beses na nating pag-usapan ang napkapait nas nangyaring iyan. Antayin na lamang natin ang official report na inaantay rin ni P’Noy bago niya aksyunan ang pagparusa sa kiung sino man ang nagka-sala o nagkamali.

Sa kaso ni Flor Contemplacion, tinanggal ni Eddie Ramos ang kalihim ng Foreign Affairts ayt ng Labor, kahit wala naman silang pagkakasala sa kaso ni Contemplacion. Sa totoo, tama ang ginawa ng Singapore. Pumatay si Flor ng dalawang tao – isang inaalagaan niyang Singaporean at isang Pinay. Ang parusa sa kanya ay Death Penalty dahil iyon ang kanilang batas sa Singapore. ‘Di ba na dapat lamang na parusahan si Flor sa kaniyang pagkakasala? Kaya, bakit tinanggal ang dalawang taga-Gabinete ni FVR? Ano ang kasalanan nila?

# # # #

hvp (09.01.10)

 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*