Skip to content

Kapalpakan

Deretsahan

 

ni Horacio Paredes

 

Hindi kaya ka-torpehan na ang pangyayari na ang isang pulis-Hongkong ay pinahirapan pa ng Aviation Security Group (ASG) dahil sa meron itong dalang mga bala na ginamit sa kanilang test-firing ng mga baril (M-16 at Cal. 45) ng hostage taker na pumatay ng walong turistang galing Hongkong. Meron naman itong dalang clearance galing sa PNP; ngunit, hindi binigyan ng  halaga ang clearance.

Bakit nagkaganito? Dahil sa mayroong order ang DOJ na lahat ng bagay ay dapat dumaan sa DOJ. Ayon kay Usec Jose Vicente Salazar: “We issued an order that everything pertaining to the investigation should be cleared with us.”

Dahil dito, ang pulis-HK ay dinala muna sa 1st Police Center for Aviation Security (1st PCAS) habang hinihintay ang pagdating ni Salazar sa paliparan. Pag dating ni Salazar, pinabayaan na ring umalis ang pulis.

Kung ang pag-iisip sa Hongkong ay palpak ang ating pamahalaan, tama lamang. Sila mismo ang gumagawa ng hadlang sa mabilis na gawain at maayos na takbo nang kung anuman ang nangyayari. Sa tungkol sa Hongkong, imbes na pinadali ang proseso, dinagdagan pa nila ng hadlang na dapat merong clearance galing sa DOJ ang lahat na bagay na may kaugnayan sa hostage-taking sa Luneta. Baket? Wala ba silang tiwala sa NBI, na nasa ilalim naman ng DOJ. Ano naman ang maaaring mas alam ng isang Usec ng DOJ kesa sa NBI?

Baket hindi ginawa na ang clearance ay manggagaling sa PNP o sa NBI? Kung sa DOJ pa manggagaling sa ganoong hindi naman pinakikialaman ng DOJ at hindi naman sila mismo ang may hawak ng imbestigasyon, baket DOJ pa ang dapat na gumawa ng clearance? Hindi na ba mapapagkatiwalaan ang NBI at ang pulis?

Kabobohan!

* * *

Maraming nagsasabi na hindi na natin dapat sisishin ang isa’t-isa sa nangyari at tigilan na natin ang pagbugbog sa sarili. Tama naman sila ngunit kapag nakikita naman natin na imbes na matuto ng tama ang mga namumuno ay lalo lamang nilang pinsasama ang bayan dahil sa kanilang katorpehan, hindi ba dapat namang murahin na natin ang mga namumuno?

Lalong pinasasama nila ang Pinas. Ang balang ginamit sa test-firing ay dala ng pulis-Hongkong sa kanyang pag-dating dito. Tapos ng test, iuuwi niya sa kanila mismong laboratoryo upang ikumpara sa mga balang pumatay sa walong hostage. Gusto nilang malaman kung ang hostage-taker nga ba ang pumatay sa mga ito o baka kaya ang ating mga pulis ang nakapatay.

Sa pangyayaring ito, hindi kaya lalo lamang nating nakumbinse ang mundo na palpak ang Pinas? Alam ko na maaaring ang pumalpak ay iyong pulis-HK; ngunit, dahil sa nakaraan, tiyak na Pinas pa rin ang sisishin na palpak, hindi ang Hongkong!

Sana naman ang mga taga-gobiyerno’y nag-iisip na hindi na dapat dagdagan pa ang masamang pagtanaw ng iba sa ating bansa. Wala na dapat pang idagdag sa kapalpakang nangyari na.

# # # #

hvp (09.03.10)

 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*