Skip to content

Maliwanag ang SONA ni PNoy

Abante (07.30.11)

Deretsahan

 

ni Horacio Paredes

 

Karamihan sa mga merong batikos sa ikalawang SONA ni PNoy ay ang mga  nagmamagaling-galingan at ang mga kulang sa pansin. Halimbawa, meron diyang pumuputok ang butse dahil sa hindi nabigyang pansin ang RH Bill o ang Freedon of Information Act o iba pang kanilang tinutulak na batas o direksiyon. Merong isang nagsalita sa TV na ang pinuna ay ang wala raw kakwenta-kwentang mga tagapasalita ng ating Pangulo. Hindi na nga sila ang nagsalita, sila pa rin ang pinuna!

Ang masasabi ko sa mga ito ay ang nagpahalata sila na sila’y mga wang-wangista. Sa talumpati ng Pangulo, maliwanag na ang mga masasabi nating wang-wangista ay ang mga taong mas binibigyan ng kahalagahaan ang kanilang sarili kesa sa kabutihan ng lahat at pagunlad ng bansa. Sa hindi pag-gamit ng wang-wang ng mismong Pangulo kung saan man siya pumupunta, kanyang pinakikita na kapantay lamang siya nating lahat (boss pa nga niya tayo), na walang kahit sinong mas mahalaga para sa kanya kundi ang mga mamamyang Pilipino.

Ito ang kanyang pinaramdam sa kanyang talumpati sa pangalawang SONA.

* * *

Maliwanag ang kanyang mensahe at, lalong mahalaga, naintindihan ito ng lahat, dahil ang mga salitang ginamit niya ay hindi lamang Pilipino kundi pangkaraniwang Pilipino na naiintindihan ng lahat, kahit na ng mga Bisaya, Ilokano, Bikolano, Kapampangan at  iba pang mga Pilipino. Kaya, kung tutuusin, mas malawak ang kanyang naabot sa mensahe ng kanyang talumpati kesa sa nakaintindi ng mga SONA ng iba nating mga Pangulo na kadalasan malalim at bulaklaking Ingles ang ginamit. Dahil dito, para sa akin, tagumpay ang pangalawang SONA ni PNoy.

Sa ngayon, hindi na kagaya ng dati na humahanga ang nakikinig sa mga oratorical na estilo ng pananalita. Ang gusto ng tao ngayon ay ang simple at maliwanag na binibigkas na buong-buo ang pagkakaintindi ng nakikinig.

Epektibo ang simpleng talumpati ng Pangulong Aquino. Kaya lamang, marami nga sa mga merong problema sa kanyang SONA ay ilang mga kulang ang naiintindihan sa Pilipino. Mga Inglisero.

* * *

Ayon sa isang Analyst, hindi raw mangyayari na ang susunod kay PNoy ay kagaya niyang malinis at walang tinatago dahil, ika niya, pagkatapos ng anim na taon, pumipili tayo ng Presidente na naiiba sa huling Pangulo. Ganyan na nga ang nangyari nang ating pinalitan si Gloria ng isang malinis na tao na tuwid na daan ang tinatakhan, Ayon sa analyst, pagkatapos raw ng anim na taon, pinapalitn natin ang Pangulo ng isang taong naiiba sa nakaupo dahil hindi na tayo natutuwa sa dati at gusto na nating baguhin naman ang pamamalakad.

Baka nga tama siya; ngunit, para sa akn naman, dahil sa wala pa namang nangyari na ang pamahalaan ay napakalaki ang pagbabago sa dati — parang dilim  at liwanag — hindi ko naman makita na ang bansang Pilipino’y pipiliing bumalik sa karimlan ng panahon ni GMA pagkatpos ni PNoy.

Sana mali ang Analyst, dahil kung tama siya, tiyak na wala na ngang pag-asa ang bansa natin kung ang susunod sa malinis na pamamahala ay kurakutan na naman!

* * *

Nagkamali pala ako noong huli kong kolum nang sinulat ko na ang susunod na pagpili natin ng Presidente aysa 2013. Dapat siulat ko ang tama na ito ay mangyayari sa 2016! Salamat sa marami-raming nakapuna at sumulat upang  ipa-alam sa akin ang aking kamalian! T.Y. Po sa inyong lahat!

# # # #

hvp (07.29.11)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*