Deretsahan
ni Horacio Paredes
Ayon sa mga survey, ang karamihan raw sa ating mga Pilipino ay naniniwalang mas maganda ang ating hinharap sa 2012. Ito ay survey ng Social Weather Stations (SWS). Sinimulan ng SWS ang survey tungkol sa kung ano ang inaasahan natin sa susunod na taon at, mula pa noong nagsimula ang kanilang survey, taon-taon, ganito ang nagiging resulta: ang karamihan ay naniniwalang bubuti ang pamumuhay nila sa susunod na taon.
Kahit na nga sa “very poor” na nasa class E sa kanilang rating na A,B,C,D,E kung saan ang pinaka-dukha ay nasa “E”, sa mga pinaka-dukha ay umabot sa 93 porsiyento ng umaasa na bubuti ang kanilang kalagayan, Mas mataas ito kesa noong 2010 kung kelan ay 89 % lamang ay naniniwala na ang 2011 ay magiging mas mabuti kesa sa 2010.
Karamhan sa atin ay natutuwa sa pagdating ng bagong taon. 96 porsiyento ang naniniwala na gaganda ang kabuyhayan nila at apat na porsiyent lamang ang natatakot sa maaaring mangyari sa kanila sa susunod na taon.
Sa aking paniniwala, ang positibong ganitong pag-iisip ang pinakamagandang katangian nating mga Pinoy. Kahit na ano pang nangyayari sa buhay natin – baha, lindol, tsunami, pagputok ng bulkan, tanggap natin lahat at malakas pa rin ang ating paniniwala na nasa likod natin ang Diyos at hindi niya tayo iiwanan. Kaya tayo nagkakalakas ng loob!
* * *
Ayon sa ating militar, ang New People’s Army (NPA) ay nasa bilang na 5,000 lamang. Ito ay isang rason kung baket, ayon sa military, kanila nang na-“liberate” mula sa CPP-NPA-NDF ang 23 alawigan.
Ayon kay AFP public affairs chief Colonel Arnulfo Marcelo Burgos Jr., ito ay ang mg llawigan ng Apayao, Ifugao, Kalinga, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Aurora, Biliran, Cebu, Bohol, Camiguin, Misamis Oriental, South Cotabato, La Union, Pangasinan, Tarlac, Cavite, Marinduque, Romblon, Guimaras, Siquijor, Leyte at Southern Leyte. Sa mga lalawingang ito, ang mga LGU na ang ng mimentena ng seguridad sa kanilang mga lalawigan.
Ayon kay Burgos: “These are indicators that there is now unhampered progress in these provinces without major incidents of violence and extortion by the NPA rebels. We can’t say there’s zero presence but we can say that it is no longer significant.”
Para nga sa akin, dpat nang ubusin na ng ating militar ang mga komunistang gusting mangibabaw saating lahat kahit nalalaman naman nila na kung idadaan nila sa maayas, mapayapa at ksunod sabatas ang kanilang gutong mngyari, wala silng pag-asang makatikimng tagumpay. Se totoo, mulpa noong 1992, hindi na pingbbawal ng batas ang mga komunista sa ating bansa. Maari pa nga silang magtayo ng Partido Komunista at lumaban sa ating mga halalan. Kaya, baket na dinadaan pa rin nila sa rebulusyon ang kanilang layunin.
Wala talaga silang pag-asang manalo puwera lamang kundi sa pamamagitan ng amas. Anong pagkakaiba nila sa mga kriminal at mga bandido?
# # # #
hvp (12.30.11)

Post a Comment