Deretsahan
ni Horacio Paredes
Sa impeachment trial noong Huwebes, paulit-ulit na tinanong ni Serafin Cuervas, ang nangunguna sa mga abugado na dumedepensa kay Chief Justice Corona, kay Atty. Randy Rutaquio, record custodian ng Registry of Deeds ng Taguig City, kung naroroon ba siya at nakita niya ng kanyang mga mata ang bawat hakbang ng pagrerehistro ng Transfer Certificate of Title sa mga lupain at condominium sa Taguig na nasa pangalan ng mga Corona.
Ang ganitong katanguhan ay walang saysay kundi pang-gagago lamang.
Itanong kaya kay Cuevas kung kailan siya napanganak at kung naroroon ba siya at nasaksihan ba niya ang pangyayari.
Dahil ba hindi nasaksihan o hindi siyang register of deeds mismo ang tumanggap ng titulo at nag-asses ng babayaran at naghanap ng lupain sa mapa, hindi na siya maaaring paniwalaan sa kanyang sinasabi bilang saksi? Hindi kaya na bilang namumuno sa upisina ng Register of Deeds na meron namang sinusunod na proseso ay dapat nating pinaniniwalaan ang nakatala sa kanyang upisina bilang mga official record ng Taguig at ng bansang Pilipinas?
Ginagago lamang ni Cuevas ang Impeachment Court ni Enrile.
* * *
Gaya ng mga senador, gusto kong alamin ang buong katotohanan tungkol sa kayamanan at kung anuman ang mga kapalakan ng Chief Justice (kung meron man). Kaya lamang, parang ang mga abugadong kinuha ni Corona upang patunayan ang kanniyang walang pagkakasala ay hindi naman interesadong magpaliwanag.
Sa mga akusasyong ginawa ng mga kongresista tungkol kay Corona, ang pinakamagandang depensa ay ang katotohanan.
Sa nakikita ko sa kasulukuyang mga pangyayaring nilalabas sa talebisyon, parang ang depensa nila any ang paghahadlang imbes na ang pagsulong ng pagdinig upang maliwanagan pung ano nga ba ang pangyayari. Para tuloy na ang gusto lamang nilang mangyari ay ang gulohin ang kaso upang hindi matapos kagaya na rin noong nangyari sa impeachment ni Erap kung saan (dahil sa hindi natapos) ang Korte Suprema na lang ang nagpasya (labag sa batas) na ang Pandak na ang ating pangulo.
Sa kasalukuyang kaso, tiyak na hindi tanggap ng tao ang ganyan na naman. Unang-una, mula noong panahon ni Davide, bumaba na hanggang sa imburnal ang ating hudikatura kasama na rin (nangunguna pa nga yata) ang Korte Suprema. Kung ano ang mangayayari kung matapos ang kasong impeachment na walang paliwanag sa kayamanan ng Chief Justice, kung saan aabot ang pagkaka-poot ng mamamayan, huwag ninyo akong tanungin.
Sa nakikita ko kay Cuevas, napapatunayan niyang matindi pa rin siya at kayang-kaya niyang paikot-ikotan ag mg mas bata sa kaniyang mga abugado. Nagagago niya sila; ngunit, hindi niya natutulongan ang kanyang kliyente.
* * *
Sulat galing sa Pinoy sa Canada: “Hindi kami niniwalang gagawing tuta ni Pnoy ang Korte Suprema malaki ang tiwala ng mga pinoy sa kanyang sinseridad at matapat na layunin pagsilbihan ang kanyang mga boss.
“Kung sakali, alin ang mabuti tuta ni Pnoy o ni GMA?
“Pnoy patnubayan ka ng Diyos.” — Remi Garcia, Canada.
# # # #
hvp (01.20.12)

Post a Comment