Deretsahan
ni Horacio Paredes
“Undeserving and non performing nga ba ang sinabi ng malakanang sa pagkatanggal kay Gatdula? Una sinabi na dahil sa extortion, mayroon bang matibay na nagsasangkot na indid ay ginawa ito ni Gatdula? Sabi ng Malakanang tinanggal si Gatdula dahil subordination, iba sa sinasabi mong (editorial) undeserving at nonperforming? Kung sa tingin ng malakanang na isa itong simpleng immigration case, bakit hindi inalam ng malakanang kung bakit nga ba narito ang nasabing Japones? Mayroon kaya siyang matibay na dahilan para ipagpalit niya ang karanyaan ng buhay sa Japan kung ikukumpara sa buhay hikahos dito sa Pilipinas.
“Ito ang unang sinabi ng Malakanang sa press na magsilbing aral di lamang sa mga nakaraang administrasion at sa mga nasa gobyerno ang pagsibak kay Gatdula.
“Napakasakit sa isang dati na may takot sa lumikha at walang dungis na pangalan ay sibakin at ikumpara sa nakarang administrasyon na puno ng akusasyon ng gruft and corrupt practices, di ba? Sana ay tinanggal si Gatdula ng dahil sa subordination, at hindi dahil sa pulitika at graft and corrupt practices.
“At kung totoo ang paratang ng gobyerno, sana ay tulad ni Corona ay kasuhan si Gatdula upang mapatunayan ang pagkumpara niya sa nakaraang administrasyon. Give him a due process and not by taking it to the media at siraan sa harap ng bayan. Nakakahiya para kay Gatdula at tila papuri sa Malakanang ang inyong ibig sabihin. Sa ngalan ng fairness and justice, huwag naman sana ganito ang inyong editorial.” — Edgardo Arellano, OFW Kuwait
* * *
“Well, isa po akong OFW dito sa UAE at palagi akong nagbabasa ng Abante tuwing umaga, at para sa aking opinion ay TAMA po ang inyong obserbasyon na ginagago talaga ni Cuevas itong impeachment court ni Mr. Enrile. Dapat sana pabulaanan na lang nila na hindi totoo ung mga accusation ng prosecution at hindi ung kung ano2 pa ang mga pinagsasabi niya? Na para bang gusto niyang pabilibin ung publiko kaya sinisira niya ung credibility ng mga witness ng prosecution? at akoy naniniwala na ginagamit ni corona ang Supreme Court para sa kanyang laban.
“Papaano pa magkakaroon ng mabuting decision ang isang CJ kung ganitong wala ng tiwala sa kanya ang bayan? Dapat lang na mag bitiw na lang siya at kahit pa mapawalang sala siya wala na siyang credibility bilang Chief Justice at kaming mga OFW dito sa Dubai ay naguusap usap din na iisa ang aming boses. ALISIN SI CORONA… Tama ang mga ginagawa ni President Aquino sa kanyang tuwid na daan!” — S.E. Pangilinan
# # # #
hvp (01.23.12)

Post a Comment