Deretsahan
ni Horacio Paredes
Nakaka-intriga ang tanong ng isa sa mga abugado ni Renato Corona noong tumestigo ang manager ng PSBank sa milyones na deposito ng Chief Justice na maliwanag na sobrang-sobra sa maari niya kinita sa sahod niya galing sa kaniyang pagiging government official.
Tanong ni Atty. Ramon Esguera:
“Nasa pangalan nga niya pero pera ba n’ya?”
Ano kaya ang hinala ng abugado — na ang Chief Justice ng Pinas ay bilang dummy lamang ng iba at pinagagamit ang kanyang pangalan para itago ang kayamanan ng iba? Para namang napakababa ng tingin ni Atty. Esguerra sa kanyang kliente.
Sa totoo lamang, sa paglabas ng milyones na nasa pangalan ni Chief Justice Renato Corona, maliwanag na wala siyang karapatang magpatuloy sa kanyang mataas na puwesto bilang ika-lima sa mga namumuno ng ating bansa. (Una ang Pangulo, Bise Presidente, Senate President, Speaker at ika-lima ang Chief Justice.)
Kung sabagay, dahil sa ating batas, kapag hindi mapaliwanag ng isang nagtatrabaho sa gobiyerno kung saan nanggaling ang sobrang kwarta niya, ito’y kukunin sa kanya ng gobiyerno. Baka kaya iyon kay ang tinutukoy ni Atorni? Na ang deposito sa bangko ay nasa pangalan ng kanyang kliente pero kwart ito ng Pinas?
* * *
Sa aking pananaw, kahit na ano pa ang sunod na mangyayari sa impeachment, ang pinakamagandang maaaring gawain ni Corona ay ang magbitiw na lamang. Kung ganito ang kanyang gagawain, magpapasalamat ang bayan dahil sa hindi na niya pinatagal pa ang proseso at tinaggap niya ang kanyang pagkakamali. Ika ngay “Damaged Goods” na si Corona at wala na siyang kredibilidad. Kapag mananatili siya sa Korte Suprema, kahit na ang Korte ay mawawalan ng kredibilidad. Sino pa ang rerespeto sa isang Korte na maliwanag na hindi nararapat na respetohin ang namumuno?
* * *
Ang ama ni Corona ay dating opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at si Renato Corona mismo ay nakapagtrabaho na sa bangko at naging isang tax lawyer bago siya kinuha ni Presidente Ramos sa Malakanyang. Kaya, parang hindi kapanipaniwala na naging burara siya sa paghanda ng kanyang mga SALN at sa pagbayad ng kanyang income tax.
Halimbawa, kung ang milyones niya ay binili niya ng dolyar at ipinasok niya sa kanyang dollar account, di hindi sana maaaring makita ito ng kahit na sino kung wala niyang pahintulot. Ganoong ka-simple iyan.
Akala niya siguro na nang maging Chief Justice siya, wala nang masamang maaaring mangyari sa kanya.
Kung siya ba’y hindi tuloyang kumampi kay Gloria at sumayaw sa bagong tugtog ni PNoy, baka hindi nangyari sa kanya ang mga nangyaayari ngayon, Marami naman pala siyang tinatago, bakit ang yabang ng dating niya at kung maka-este ay parang anak siya ng Diyos na walang kinatatakuan?
Tama lang yata na ang mangyayri sa kanya ay mangyayari. Karma ba kung baga!
* * *
May kasabihan sa boxing: “The bigger they are, the harder they fall.”
# # # #
hvp (02.10.12)

2 Comments
dapat po talaga sir magbitiw na sya sa pwesto at humingi ng tawead sa mga ginawa niya.wala ng mangyayaring himala para sa kanya dahil sumingaw na ang baho niya di na niya malilinis ang imahe niya.kahit mga abogado niya di na siya maisasalba pa?tanga na ;ang ang maniniwala sa kanila?patirik tirik pa ng kandila pakanta kanta pa ng impossible dreams paiyak iyak pa silang magasawa akala mo mga banal mga mandarambong naman.si gloria ang nagluklok sa kanya si gloria din ang dahilan ng pagbagsak niya.
yan ba ang kailangan na ituro nya sa mga anak nya na?na dapat itago ang mga bagay na ayaw ipaalam dahil maaring galing sa nakaw?mabuti na lang at hindi ako abogado dahil natuturuan ko ng tamang ugali ang mga anak ko,napapakain ko ng maayos ng galing sa mabuting gawa.hindi ko pinapakita sa kanila na mag tago ng mga bagay na ayaw ipakita,puro katotohana at walang kasinungalingan ang aking itinututro sa aking mga anak.wag sanang matawag na KOTONG SUPREMA sa hinaharap ang supreme court ngayon,dahil pag nagkataon na naging ganun na nga..kawawa ang mga maliliit na tao..umalis ka na sa puwesto mo at nakakahiya ka CJ.sumama ka na midas,akala mo kasi lahat ng hawakan mo nagiging ginto..nagkakamali ka.pag naalis si corona,magiging tanso lahat ng hahawakan mo.
Post a Comment