Skip to content

Ang Pagkakamali ng ‘Coconut Farmer’

Deretsahan

 

ni Horacio Paredes

Tapos na ang kasong inihain ng mga “coconut farmer” na gustong kunin ang mga share of stock sa San Miguel Corporation na, ayon sa SC, ay tunay na pag-aari ni Danding Cojuangco. Tama lang ang naging hatol ng SC.

Unang-una, hindi naman ang mga “coconut farmer” na nag-bayad ng coconut levy ang nag-aangkin ng kwarta; pangalawa, ang ginamit ni Couangco na pinambili niya sa shares ni Enrique Zobel na sinanla sa kaniya ni Zobel, kahit na ito’y iniutang ni Couangco sa UCPB, ay nabayaran naman ni Danding.

Ang mga nag-bayad ng levy ay ang mga bumili ng dessicated at copra mula sa mga mayari ng mga niyugan. Kung meron mang nabawasan ng kita, ito ay ang mga may-ari ng mga niyugan, hindi ang mga nagtatrabanho sa coconut industry — mga nagluluto ng copra at mga nagbubunot niyog o. kay’y  nag-aani ng niyog.

Kung meron mang nawalan dahil sa levy, ito ay ang mga nag-mamayari ng mga niyugan dahil kahit na ang mga miller ang nagbayad ng levy, wala naman silang pagkukunan noon kundi galing sa presyo na binabayad nila sa mga may-ari ng copra o niyog ng gagawaing dessicated.

Ang ibang bumubuo ng tinatawag na “coconut industry” ay hindi naman nawalan at lalong hindi sila ang nagbayad ng “levy.” Kung ano ang binabayad sa kanila ng may-ari ng niyogan ay hindi nabawasan dahil sa “levy.”

Sa totoo lamang, ang mga nagmamay-ari ng mga niyugan ang nawalan dahil sa “coconut levy” na iyan. Para patunay na sila ang nagbayad niyan, kanino ba binibigay ang resibo ng nakolekta sa levy kundi na rin sa mga nagdala ng copra sa bodega ng bumibili.

* * *

Maganda naman sana ang layunin ng levy. Ginamit ito upang bilhin ang mga coconut oil mill, oil refinery at mga dessicated factory. Nagsimula rin — galing sa naipong kwarta ng levy ng isang coconut chemical  factory, ang Coco-Chem, na pinaggagalingan ng mga chemical na ginagamit sa pag-gawa ng sabon, toothpaste at iba pa.

Ang naging problema ay noong kinuha na ito ng PCGG dahil ito raw ay parte ng ninakaw ng Diktador sa Pinas. Kaya lamang, imbes na lalo sanang nagamit ang mga factory sa pagpapa-unlad ng ating ekonomiya, wala naman palang kakayahan ang PCGG na patakbuhin ang mga planta. At ang ginawa pa ng gobyerno’y kinuha ang mga planta dahil ang mga ito raw ay nabili ng kwartang naipon dahil sa isang buwis na siningil sa coconuy industry. Dahl ang levy ay isang buwis at ang pamahalaan lang raw ang maaaring sumingil ng buwis, ang lahat na naipon mula sa levy ay pag-aari ng pamahalaan. Ngunit, di ba’t mula’t sapul pa, ang coconut levy ay sinasabi ng pamahalaang nag-ipon nito na ang naiipon sa levy ay pag-aari ng mga nagbayad ng buwis at hindi pag-aari ng pamahalaan.

* * *

Wala ring batayan ang sinasabi ng ilan na kinurakot ni Danding ang kwartang na-ipon sa levy. Kung ginawa niya ito, dapat sanang kung ano ang nangyari sa sugar industry ay nangyari rin sa coconut industry — na pagkatapos ng Martial Law, walang kwartang naiwan at wala ring nabiling mga factory o natayong mga planta.

Ang mga coconut farmer na tunay (ang mga may-ari ng mga lupaing niyugan) ay dapat sanang na-angat ang pamumuhay kung nasunod lamang ang plano ni Danding Cojuangco. Kaya lamang, nariyan na ang PCGG at sa kanila ipina-ubaya ng pamahalaan ang Coconut Industry at, dahil rin sa ang mga tunay na “coconut farmer” ay kinakalaban rin ng mga gustong makuha ang kwartang naipon ng Levy, ang mga dapat na nakinabang sa kwarta binayad nila bilang levy ang nawalan.

Iyan ang tamang kwento tungkol sa kung ano ang nangyari sa “coconut industry.”

* * *

hvp (03.30.12)

 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*