Skip to content

Sulat ng Isang OFW

Deretsahan

 

ni Horacio Paredes

 

“Matagal-tagal na rin po akong OFW dito sa GitnangSsilangan. Aminado ako na hindi yata matatalikuran ang maging isang OFW ng Pinoy.  Sabi ng mga Koreano mapapalad tayong Pinoy, may maluwang na lupain at sagana sa likas na yaman. Pero sabi rin nila wala tayong pagpapahalaga sa mga ito, wala tayong pagmamahal sa ating lupang sinilangan. Pagkatapos mag-aral at magsunog ng kilay lilipad at lilisanin ang sariling bansa.

“Ayaw natin tularan ang mga Koreano. Bakit sila at ang iba pang mga singkit ang namumunini sa mga naglalakihang negosyo, lupa at  bukirin, minahan sa ating bansa. Sinabi na ni Rizal yan nun sa kanyang aklat.  Hindi ako naniniwala na likas na tamad ang mga pinoy.

“Parang ang hirap buhay sa Manila. Mahirap magka-atraso konting mali mo lang baka sipatin ka ng riding in tandem.

“Sa South America, may isang bansa dun na ban ang magka-angkas sa motorsiklo. Bakit di kaya ipagbawal sa Pinas. Dapat basta magka-angkas sitahin. Pero dadale naman ang mga human rights advocates.

“Ingat ka rin sa pagsakay-sakay sa FX. Kahit sa taxi may mga masasamang elemento rin.

“Wala na,  ang  mga OFW tatanda at lilipasan din. susunod ang mga anak na magiging OFW rin.

“Mga pondo namin sa POEA at OWWA politico ang mga nakikinabang. Naroong magmakaawa na kapag may bibitayin. Batas nila yun na sila man ay sumusunod din. Pinoy lang naman ang yuko agad kapag puti na ang kaharap. Todo-saludo sa kano. Sa kano na parang linta, tuyo’t at bawat kapitan. Humanap ka ng bansa na kinapitan ng kano na umunlad. Wala po. mabuti pa ang Bitoy, sinampolan ang Hongkong. ang Falkland islands, ang Virgin Islands. Talaga hindi nagbubulsa ng ninakaw na yaman ang mga Bitoy. Umaalis sila na maunlad ang isang bansa na nilahian nila.

“Sanda-makmak na rin daw ang mga kanong nurse. Kaya di na puede ang Pinoy sa State as nars.

“Sa mga pinuno natin sa Pinas, wala kang kakabigin. Bagkus lahat sisipain dahil kundi hunyangong bading eh buayang bading. Bayan nga at kaapo-apuhan na lang nila ang mga nakaupo ngayon pero wala pa rin tayo nararating. Ayan at nasa dulo na ng ilong natin ang mga Tsino at ginigirian tayo, pini-pitik-pitik. ano kaya ang mangyari. Huwag natin ipagmalaki na  nariyan ang Kano. Di naman kikilos yan kung wala kapalit. Sila ay tutulong sa isang kondisyon, kabayan! Di na tayo natuto ayan at tila ina-amoy-amoy na naman ng mga dating pinatalsik na. pero bale-wala na ito kay Juan madali makalimot, isinuka na. tinatangkilik pa.

“Darating ang araw ang mga bansa ay kanya-kanya na. Pataas sila ng pataas. samantalang ang mga Pinoy parang mga talangka na nasa isang timba. Kapag nakita kang papa-akyat palabas ng timba, maraming hahatak sa  iyo pababa.

“Kada-isang linggo ay nagbabago ang mga batas sa Gitnang Silangan. Ipinatutupad na ang “nitaqat” ang pagbibigay ng trabaho sa mga katutubo kahit na ang mga ito ay walang alam at pa-tsaa-tsaa lang. Huwag sana gawing 50% ang ratio ng mga katutubo sa expats. Mga kabayan ko mag-ipon-ipon na bago ang lahat ay maging huli na.” — Rey Arcilla — OFW sa Tabuk border ng Jordan

# # # #

hvp (03.20.12)

 

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*