Skip to content

Ang Desiyon ng WBO

Deretsahan

 

ni Horacio Paredes

Nagkaisa ang limang international judges na kinuha ng WBO sa isinagawang review ng Manny Pacquiao-Tim Bradley fight, sa pagbibigay ng unanimous decision win sa Filipino ring icon. Ipinaalam ni WBO president Francisco Valcarcel sa RingTV.Com noong Miyerkules, na matapos panooring muli ang 12-round welterweight match, nagbigay ang limang hurado ng iskor na: 117-111, 117-111, 118-110, 116-112 at 115-113.


Agad namang nagpasalamat ang Pambansang Kamao sa ginawa ng pamunuan ng WBO, pero binigyang-diin na hindi niya tatanggapin sakaling ibalik sa kanya ang WBO belt. At mas mainam pa aniyang ibakante na lamang para muling paglabanan.


“Kung ibigay naman nina (Bradley), hindi ko naman tatanggapin. Baka isipin ng tao inaagaw ko ang belt… Kung ibibigay ni Bradley, mas maganda kung ibakante na lang ang title, wala nang champion diyan,” ayon sa Filipino boxing icon.

 OK. Tama naman ang WBO ngunit, papaano ngayon . Baka namang maaari na rin nilang ulitin ang paghatol sa maraming mga fight nina Rocky Marciano, Flash Elorde at Joe Louis at iba pa kung maaari palang baguhin ang hatol ng mga boxing judge na maroroon mismo at nanood ng labanan?

Tama lamang dahil talaga namang nanalo si Pacquiao kahit na pa-easy-easy lamang siya sa paniniwalang sapat na ang kaniyang puntos at nakaraos na naman siya at lalo na naman siyang yumaman (kahit na si Kim Henares naman ay nagngingitngit dahil sa mas maliit na ang kaniyang binabayad mula noong hindi na si Gloria ang ating Pangulo).

Dapat kapag labanan sa palakasan (sport) kung boxing man, basketball, chess at iba pa, ang atleta (lalo na ang mga kampeon) ay binibigay ang lahat. Kapg ganoon ang labanan, tayong mga nanonood ay natutuwa. Sa totoo lamang, parang si Manny ay matagal nang hindi binibigay ang lahat, tuwa nang manalo sa puntos. Dahil  siya ang kampeon, nalalaman niyang nakakalamang siya at ang kalaban ang dapat na lalong magtrabaho.

Sa ganito niyang pag-iisip hindi na gaanong nakakatuwa ang kaniyang mga huling laban.

Tama lamang na nangayari ang ganito. Baka matuto ang ating pambanasang kama-o na ibigay niya ang lahat sa bawat niyang fight! Tama rin ang kaniyang desisyon na hindi niya tatanggapin ang korona sa pakikialam ng WBO. Boxing is won in the ring not in the offices of the WBO. Ang dapat na pagbabagong gawain ng WBO ay ang pagpili ng mga boxing judge na mas magagaling at nakakaintindi ng sport nila.

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*