Deretsahan
ni Horacio Paredes
Noon ating ihinarap sa ASEAN ang ating di pakikipagugnayan sa Tsina tungkol sa mga inaaangkinnila sa South China Sea na matagal na nating inangkin, wlalang nanagyari dahil ang usapan ng mga lider ng ASEAN ay nagmiting sa Cambodia, at matagal nang kumkampi ang Cambodia sa Tsina. Napakatagal na ang Tsina lamang ay kumkampi sa Cambodia. Halos lahat ng bansa sa ASEAN ay tinturing ang Cambodia na isang kakampi ng Tsina dahil sa maraming naitulong ang Tsina sa Cambodia.
Dahil nga rito, natauhan ang Pinas na hindi ganoon ka dali ang problema natin sa pagsakop ng Tsina sa ilang mga isla na pag-aari ng Pinas, Para sa akin maliwanag na ang mga islang ito ay pag-aari ng Pinas. Ngunit, papaano natin makkukumbinse ang Tsina namatarong ang ating pag-angkin ng mga islang ito, lalo na’t parang hindi pumapayag ang Tsina na ito ay iharap sa ibang mga bansa upang kanilang hatulan kung sino nga ba ay dapat na bigyan ng karapatan sa mga islang ito na ilan ay lu-li (minsan nakalubog, minsan naka-litaw).
Ang unang nagsalita ay si Senador Ping Lacson noong sinabi nito na ang dapat nating pag-uusap sa Tsina ay tayo lamamg dalawa at hindi kasali ang ibang mga bansa sa Asean. Sinundan naman ito ng Pangulong Noynay noong kanynng pinsalamatan ang Tsina sa kanilang ginawang pag-ayos ng Angat Dam. Pinahiram tayo ng kwarta ng Tsina at sila na rin ang nag-ayos ng Angat. Mabilis nilang tinapos ito at at tunay namang first class ang trabaho,
Nagpasalamat si PNoy. Sa tingin ko’y dapat lamang na nagpasalamat siya.
Iisipin kaya ng mga intsik na madali palang lokohin ang ating Pangulo. Hindi. Sa tingin ko’y ang kanilang iisipin ay ang maaaari palang kausapin ang ating pangulo.
Dapat lamang na pinag-uusapan ang ating mg problema at hindi panay insultohan at murahan ang ating pasigaw na estehan. Kahit na ano pa man ang mangyari, tayo ng Tsina ay magkalapit bansa. Halos lahat ng nangyayari sa Tsina ay nagkakaroon ng epekto sa ating seguridad at ekonomiya.
Mas apektado tayo sa mga nangyayari sa Tsina kesa sa mga nangyayari sa Amerika at Europa.
Dapat lamang na mas binibigyan nati ng pansin ang mga nangyayari sa Tsina at sa Asya kesa kung ano ang balita galing sa ibang parte ng mundo.
# # # #
hvp (07.18.12)

Post a Comment